Rabiya, hindi pa rin nahanap ang tatay

Rabiya
STAR/ File

Nakabalik na sa bansa si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo galing America.

Almost two months din siyang nagbakasyon sa Amerika after ng hindi magandang kapalaran sa Miss Universe. Sa Top 21 lang siya napasama.

Pero ayos pa rin naman ang naging pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa Amerika kaya nakaikot din naman siya – sabi niya ay 14 different cities. Obviously, hindi niya nahanap ang kanyang ama dahil open siya sa pagsasabi na kasama ito sa kanyang mga misyon bilang MUP.

Ang inaantay ngayon ay ang pagpasok niya sa showbiz.

Aabangan kung magiging Kapuso ba siya o Kapamilya.

Show comments