Arjo, pinasalamatan sa pagdo-donate ng service vehicles sa Quezon City!
Wow, ang galing naman ng aktor na si Arjo Atayde.
Kahapon ay pinasalamatan siya ng QC government sa kanyang donasyong service vehicles sa mga barangay ng District 1 ng lungsod.
Agad na ipinamahagi ang unang batch ng service vehicles na tinanggap ng mga kapitan na sina:
Brgy. NS Amoranto Capt. Ato de Guzman, Brgy. Manresa Capt. Bong Tambis, Brgy. Paang Bundok Capt. Tikyo Tiglao, Brgy. St. Peter Capt. Gary Arroyo, Brgy. Sto. Cristo Capt. Mac Navarro, Brgy. Maharlika Capt. Isaac Tan, Brgy. San Antonio Capt. Daniel Berroya, Brgy. San Jose Capt. Jun Alcantara, at Brgy. Vasra Capt. Bobby Fortuno.
Dumalo sa turnover ceremony nito sina Mayor Joy Belmonte, Councilors TJ Calalay, Doray Delarmente, Ollie Belmonte, Mayen Juico, Bernard Herrera, Jun Ferrer at Kgd. Charm Ferrer, at Secretary to the Mayor RJ Belmonte.
Ang mga sasakyang ito ay tiyak na magagamit ng mga barangay upang makapaghatid-serbisyo at aksyon sa kanilang paglilingkod.
Uy, parang magiging abala nga si Maine Mendoza sa 2022. Hmmm, puwede rin kaya siyang maging member ng Congressional Spouses Foundation Inc. ‘pag nagkataon?
- Latest