_ngayon
^

PSN Showbiz

Serye nina Gabbi/Khalil at Tonton, next year na uli itutuloy ang taping

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Serye nina Gabbi/Khalil at Tonton, next year na uli itutuloy ang taping
Tonton
STAR/ File

Talagang ‘yang mga nangyayari sa production kung minsan hindi naiiwasan. Alam n’yo ba na noong February, dalawang serye ang ino-offer kay Tonton Gutierrez.

‘Yung isa, Kathryn Bernardo / Daniel Padilla kasabay ng Gabbi Garcia / Khalil Ramos. Nauna lang ng ilang oras ang GMA 7 kaya ito ang tinanggap ko for Tonton. March/ April nag-quarantine, at nag-lock-in sila, lumabas ng lock-in at sinabing babalik ng May, pero postponed at June na raw.

Tapos ngayon nga, sabi na sa January na uli ang resumption ng taping. Bongga, ibig sabihin halos isang taon ang nasayang kay Tonton. Kung minsan, ‘yan ang risk ng sinumang artista, ‘yung pipili ka ng project, tapos magkakaroon ng problema. ‘Yung nag-umpisa na kayo, biglang may aberya.

Buti na lang at bago ito nangyari, sunud-sunod naman ang mga nagawa ni Tonton. At hindi naman siguro magiging matagal ang paghihintay niya sa next project dahil kilala namang professional at isang mahusay na artista kaya hindi nababakante.

Pero now at least alam mo na sa mga ganitong pagkakataon, mga bagay na hindi maiwasan at talagang wala kang magagawa, parang isang natural calamity. Lalo pa ngayon na mahigpit ang lahat sa health protocols, konting problema sa loob ng production natataranta na ang lahat.

Hay, mas worried ako para sa team-up nina Gabbi at Khalil, para bang ano ba iyan, launching sana, nag-take off naman, pero ngayon, parang nakalutang sa hangin. Wow! Ano na ang mangyayari sa team-up nila? Mas iyon ang dapat maayos agad.

Bakuna mas binabantayan na

Kawawa rin ‘yung volunteer nurse na nagkamali sa bakuna sa Makati. Panawagan nga ni Mayor Abby Binay, siguro dahil na rin sa pagod, kaya nagkamali ‘yung volunteer frontliner.

Naayos naman agad ng Makati Health office ang pangyayari, nang malaman ng office ni Mayor Abby ay kinorek agad, binigyan ng bakuna, kinausap ang nurse at humingi ng apology.

Alam natin na hindi katuwiran ‘yung pagod para mangyari ito, trabaho mo at dapat ibigay ang iyong buong atensiyon, pero may mga pagkakataong may pagkakamali na nangyayari, pero hindi naman ito dapat maging dahilan para matakot na tayong magpabakuna, o kaya naman magalit nang sobra doon sa nagkamali. Basta tayong lahat dapat maging safe at hindi stress sa mga ganitong panahon.

Cute nga ‘yung biruan na kaya pala walang report na nagkaroon ng side effects ang bakuna kasi hindi naman pala pumasok ang vaccine, hah hah, joke joke. Cute rin ni Mayor Abby dahil hindi nag-panic, cool lang sa nangyari. At tama siya, huwag nang masyadong bigyan ng negative reaction, basta ang goal, lahat mabigyan ng bakuna. Saka bantayan na lang tuwing itutusok, tiyakin na pumasok ‘yung bakuna noh, tingnan n’yo kung naubos ba, ganun lang kasimple.

GABBI GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with