^

PSN Showbiz

Aktor, ayaw payagang makipagrelasyon sa iba ang ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masalimoot ang sitwasyon ng kilalang male personality at ng kanyang dating karelasyon. Palaging nagrereklamo ang kanyang ex dahil sa pagiging iresponsable niya.

Maraming nagtatanong kung bakit nagtitiis pa rin ang babae sa mga ginagawa ng male persona­lity, sobrang mahal pa rin ba nito ang aktor, bakit hindi na lang humanap ng iba ang babae?

Kuwento ng aming source, “Magulo talaga ang sitwasyon nila, nakakaloka, mahirap intindihin ang mga nangyayari sa kanila. Gusto nang kumawala ng girl, dahil sobra-sobrang pagtitiis na ang ginagawa niya.

“Pero how true na pinagbantaan siya ng male personality? Huwag na huwag daw siyang makiki­pagrelasyon sa iba dahil mawawala sa girl ang mga anak nila!

“Paano nga naman ‘yun? Matagal na silang pinababayaan ng male personality, nagmumukha na nga silang kaawa-awa, pero ayaw naman pala siyang pakawalan?

“Ano ‘yun, ang male personality lang ang may karapatang humanap ng iba, pero ang girl, e, wala?” unang kuwento ng aming impormante.

Nakakatanggap ng komento ang ex ng male personality na bakit hindi rin ito magtrabaho para magkatulungan sila sa pagpapalaki sa kanilang mga anak?

Patuloy ng aming source, “Puwede naman talaga siyang mag-work, marami namang puwedeng gawin ang girl, pero ang male personality pala ang ayaw siyang pagtrabahuhin!

“Paano na raw ang mga anak nila kung magwo-work ang ang girl, pababayaan na lang sa yaya? Gustung-gustong magtrabaho ng babae, pero kinokontra siya ng male personality!

“Napaka-selfish naman ng lalaking ‘yun! Seloso pa! Ayaw niyang gampanan ang obligasyon niya, pero ayaw rin niyang magtrabaho ang girl para makatulong sa kanya?

“Ang gusto kasi niya, e, nasa bahay lang ang girl, nagyayaya lang sa mga anak nila, ayaw niyang pumayag na mag-work ang ex niya dahil nandu’n ang pagdududa niya na baka makahanap ng iba ang ex niya!

“Hay, naku! Kailangang maligo sa pulot ang male personality na ‘yun para gumanda naman ang imahe niya! Magulo ang isip niya, hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niya!

“Sala siya sa init, sala rin sa lamig! Nakakaawa naman ang girl na matagal nang nagtitiis! Selfish ang lalaking ‘yun!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Marjorie kinapos sa pagdidisiplina sa mga anak

Sinasapul din ng mga bashers si Marjorie Barretto dahil sa mga ginagawa ng kanyang mga anak. Hindi lang pala sina Julia, Claudia at Leon lang ang hindi bumati sa kanilang ama nu’ng Father’s Day kundi pati si Dani na anak nila ni Kier Legaspi.

Nag-one-plus-one ang mga usisero, kung pare-pareho palang hindi man lang nagbigay-pugay sa kanilang mga ama ang magkakapatid ay may kinalaman na du’n ang kanilang ina, ‘yun daw ba ang turo sa kanila ni Marjorie?

Sinang-ayunan ‘yun ng marami, kung pinalaki ni Marjorie sa tamang disiplina ang kanyang mga anak ay wala sanang ganitong isyu laban sa kanila, kung ipinaunawa niya sa mga anak niya ang kahalagahan ng pagbibigay-respeto ay hindi sana sila binabato ng paghusga ngayon.

Gusto lang naming ibigay na magandang ehemplo ang ginagawang pagpapalaki nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa kanilang anak na si Elias Modesto. Ipinahiram ni Ellen nu’ng Linggo ang bata sa kanyang ama.

May ipinakitang pagbati si Elias kay JLC, sulat-kamay ‘yun, “Happy Father’s Day” ang nakasulat. Natural, hindi si Elias ang gumawa nu’n, ibang kamay, pero nakakatuwang isipin na kahit sino pa ang nagsulat ng pagbati ay karugtong nu’n si Ellen.

Bata pa lang si Elias ay tinuturuan na ito ni Ellen ng pagbibigay-pugay kay Lloydie, hindi binabaklas ni Ellen ang presensiya ng aktor sa buhay ng kanilang anak, ang gandang halimbawa nu’n.

Kaya binabalikan si Marjorie sa social media ay wala ni isa mang anak nila ni Dennis ang nakaalala sa kanilang tatay nu’ng Father’s Day. Siya ang binati ng happy Father’s Day ng kanyang mga anak.

Malalim ang ugat ng problemang ito. Naaalala pa namin na nu’ng lumabas na ang kuwento ng relasyon ni Marjorie at ng dating mayor ng Caloocan ay parang pinagsukluban ng langit at lupa si Dennis.

Lasing na lasing nu’n ang komedyante nang magsadya sa kampanya ng partido ng mayor at ni Marjorie, sigaw nang sigaw, ‘yun ang pinakamagulong yugto ng buhay ni Dennis.

Gusto naming maniwala na hindi tinuturuan ni Marjorie na lumayo ang loob ng kanyang mga anak kay Dennis. Pero kapag ‘yun ang ating paniniwalaan ay lalabas namang walang respeto at utang na lob ang magkakapatid.

Nagkokomedya pero seryosong komento ng kaibigan naming propesor, “Buti na lang at picture ng lolo niya ang ipinost ni Julia nu’ng Father’s Day.

“Paano kung picture ni mayor ang ginamit niya? E, di parang sinilihan na, e, inasnan pa ang nagnanaknak na sugat ni Dennis Padilla?”

Oo nga naman.

vuukle comment

MARJORIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with