^

PSN Showbiz

Marco ‘di pa rin plantsado ang paglipat!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marco �di pa rin plantsado ang paglipat!
Marco

Pagkatapos ipakilala si Pokwang bilang bagong Kapuso, may mga nasasagap kaming update sa iba pang mga Kapamilya artist na lilipat na raw sa bakuran ng GMA 7.

Hindi pa naman ito kumpirmado, pero uunahin daw muna ni John Lloyd Cruz ang pelikula para sa GMA Films. Wala pa naman kaming narinig na latest development sa binabalak ni Willie Revillame na sitcom para kay Lloydie.

Si Bea Alonzo naman daw ay parang malapit na raw malaman kung magkakasundo na sinasabing sa talent fee ang issue.

At baka next year pa raw iyung kay Piolo Pascual, at pati ang isa pang inaayos din ay si Marco Gumabao.

Malaki siguro ang maitutulong niyan kapag may say na talaga sina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto.

Ang isa sa curious kami ay meron na raw nakumpirmang isang sikat na Kapamilya matinee idol na gagawa ng drama series sa GMA 7. Ayaw talagang sabihin sa amin ng aming source, at hindi pa maidetalye kung ano ang kontrata.

Sa totoo lang, bumilib daw ang ilang kilalang negosyante sa ginawa ni Atty. Felipe Gozon na pinalipas muna niya ang isang taon bago siya mag-entertain ng mga artista na gustong lumipat sa kanyang istasyon.

Samantala, hindi na lang ininda ni Pokwang ang ilang namba-bash sa kanya nang nakumpirmang nasa GMA 7 na siya. “Hindi naman natin maaalis talaga. So, kailangan naka-ready ka talaga…and hindi natin maaalis na ma-bash ka. Hindi natin maaalis yung opinyon nilang ganun. Pero hindi nyo rin po maaalis sa akin na gumawa ng paraan para mapagpatuloy ko kung ano ang pangarap ko sa sarili ko at sa pamilya ko,” saad ni Pokwang sa nakaraan niyang virtual mediacon sa GMA 7.

Hindi na lang daw niya pinapansin ang sinasabi ng iba na wala siyang utang na loob. “Siguro quiet ka na lang,” pakli ng komedyante.

“Alam ko naman sa sarili ko kung gaano kalaki ang pagtanaw ko ng utang na loob kung saan ako nanggaling sa ABS at sa Star Cinema. Hindi po mawawala yun. Habang buhay ko pong dala-dala yun.

“Nagpaalam po ako sa aking mga boss. Tinext ko po sila ng personal, and naramdaman ko naman po talaga ‘yung suporta po nila sa akin and kung gaano po ako ka-grateful. Habang buhay ko pong dala-dala yun ang pasasalamat ko sa kanila,” dagdag niyang pahayag.

Hindi nga niya napigilang maging emotional sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network, lalo na’t ang dami ring mga Kapuso artist na kaibigan niya at masaya sa kanyang pagpasok sa naturang network.

Ang isa nga sa dream niyang makasama sa isang show ay ang mga kumara niyang sina Aiai delas Alas at Eugene Domingo na biro ni Pokwang, kung gusto raw nilang ibalik ang Sis, at sila na ang mag-host, puwede na raw gawing Tits ang title dahil mga tita na sila.

Ngayong araw ay magsisimula nang mag-taping si Pokwang para sa bagong sitcom na Pepito Manaloto: Unang Kuwento. 

Netizens nagmalisya sa athlete at hunk actor

Umandar na naman ang pagiging malisyosa ng mga bakla nang nakita nila sa ilang post ng isang hunk actor na nagku-comment ang isang magaling na athlete.

Guwapo rin si athlete, borta, ang ganda ng katawan dahil sa sports niya na kailangan talaga ang ganda at lambot ng katawan.

Kapansin-pansin kasi ang mga comments sa ilang post ni hunk actor na ang sarap naman kasi niya sa mga kuha niyang naka-topless at naghuhumiyaw ang 6-pack abs.

Nagku-comment doon si athlete ng “bro, musta?”, “what’s up, bro?” na wala namang ibang ibig sabihin ‘yun.

Pero may malisya na iyun sa ilang kabadingan, dahil noon pa man ay ­pinagdududahan na ang tunay na kasarian ni athlete, at pati na rin si hunk actor na laging naba-blind item na may pagkabadikla.

Iyun nga lang. hindi naman daw sinasagot ni hunk actor ang pangungumusta sa kanya ni athlete. Bakit kaya? Namamalisyahan din ba siya?

 

vuukle comment

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with