^

PSN Showbiz

Vice Ganda, kinukuwestiyon na ang sarili kung nakakatawa pa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda, kinukuwestiyon na ang sarili kung nakakatawa pa
Vice Ganda

Minsan ay kinukuwestiyon na ni Vice Ganda ang sarili kung talagang nakakatawa pa siya. Aminado ang komedyante na nararamdaman niya ito dahil sa pagkawala ng audience sa studio ng It’s Showtime mula nang magkaroon ng pandem­ya. “Meron akong gustong gawin, meron akong gustong ibigay. Tapos ngayon ang hirap, hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ako o kung magaling pa ako. Kasi hindi ko naman naririnig kung may nagre-react. Wala namang audience. Dati, lumabas pa lang ako nagwawala na ‘yung audience. So parang damang-dama mo ‘yung love, lalo kang gaganahan. ‘Ah ito ‘yung mga nag-aabang sa akin. Patatawanin ko kayong lahat.’ Ngayon wala nang gano’n, patatawanin mo dingding,” paliwanag ni Vice.

Dahil sa mga pangyayari ay naaalala ng komedyante noong mga panahong nagsisimula pa lamang magpatawa sa comedy bars. “Lagi ang iniisip ko na lang din, ‘Hoy! Kabayo! Huwag kang umarte, ganyan ka din naman dati. Nagsimula ka naman sa comedy bar na walang audience pero bayad ka ng 250.’ So kahit walang audience, kailangan mo magpatawa. Kaya nga nasanay ng ganyan, kaya ka nga na-train na ganyan. Kasi nagpatawa ka na ang nanonood lang sa ‘yo ay sulok, dingding. ‘Yon na lang ang iniisip ko. Training ‘to, magte-train ako na walang tao, walang tumatawa. Para ‘pag nagbukas na ulit, ‘pag may audience na ulit, mas bongga ‘yon. Kasi kung dingding nga kaya kong patawanin, mas kaya kong patawanin mo ‘yung mga totoong tao na may kaluluwa. Laban ‘to,” paglalahad ni Vice.

Jessy, pumaparaan para hindi mawala sa sirkulasyon 

Matagal nang hindi napapanood sa teleserye at pelikula si Jessy Mendiola kaya may ilang netizens na nagsasabing ‘laos’ na ang aktres. Sinagot naman ni Jessy ang tungkol dito sa kanyang video blog. “I don’t feel hurt or anything. In a way, medyo totoo naman din na hindi na rin talaga ako super active,” pahayag ni Jessy.

Taong 2004 nang sumabak ang aktres sa show business. Mula noon ay kabi-kabilang teleserye at pelikula na ang nagawa ni Jessy. Ang pelikulang Mga Mata sa Dilim at teleseryeng Sandugo ang huling nagawa ng aktres noong 2019 bago pa naging host ng Fit For Life sa TV5 noong isang taon. “Wala rin naman talaga ako magagawa. But I’m just really thankful na kumbaga nasa circulation pa ako ng showbiz,” pagbabahagi ng aktres

Ngayon ay aktibo si Jessy sa social media partikular na sa kanyang sariling YouTube channel. Ito raw ang tanging paraan upang hindi mawala sa sirkulasyon ang aktres. “It’s because most people don’t really get out of their way to get to know me. Sinasabi nila na mas nakikilala nila ako through my vlogs,” pagtatapos niya. Reports from JCC

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with