Paulo tumanggi sa alok na ‘anakan mo ako’

Diretsong sinagot ni Paulo Avelino ng “Ayaw ko” ang isang nag-comment sa Twitter account niyang anakan daw siya.

Active si Paulo sa Mobile Legends dahil bahagi siya ng Execration MPL Philippines. Kaya ang daming nagku-comment sa kanya tungkol sa laban ng team na Execration.

Pero base sa rami ng mga nagpapadala ng mensahe sa Twitter account ni Paulo, parang lalong dumami ang nagnasa sa kanya.

Hindi lang isa kundi marami ang humihingi ng halik, o kahit flying kiss lang, at marami ring gustong anakan sila ng Kapamilya actor.

Kaya nga siguro pinatulan na niya ang isang nag-comment na nag-ayaw siya sa nagri-request na anakan niya.

Todo kantiyaw tuloy ‘yung sinagot ni Paulo.

Mukhang nakakadagdag points nga sa fans itong Mobile Legends na kinalolokohan ng ilang celebrities.

Sa totoo lang kahit hindi glamoroso si Paulo sa pelikula niyang Fan Girl, ang da­ming nagnasa sa kanya roon, dahil ang galing niya at siyempre may pasilip pa ng ari niya na prosthetics lang.

Ngayong linggo nga ay mapapanood na sa Netflix ang Fan Girl at pinu-promote na nga ito ni Charlie Dizon sa social media account niya.

Tuluy-tuloy naman ang taping ngayon ni Paulo sa teleserye niyang Marry Me, Marry You.

Bong, nade-develop na kay Sanya

Ang kasambahay naming na sobra kung makatutok sa First Yaya ang tuwang-tuwa sa pa-concert ni Sanya Lopez sa All-Out Sundays noong nakaraang Linggo.

Live ito na kung saan sinimulan ang selebrasyon ng 71st anniversary ng GMA 7.

Nakakatuwa nga si Sanya na punung-puno ng confidence ang performance.

Hindi maitatangging star na talaga siya! Kaya bitin na bitin ang mga sumusubaybay sa First Yaya na tatlong linggo na lang ay matatapos na.

Kaya ang request ng fans nito, sana masundan daw agad ng isa pang magandang drama series si Sanya, o kaya ay magkaroon ng season two.

Pero nandiyan pa rin naman ang Agimat ng Agila na dini-develop pa lang ang romansa nina Sanya bilang si Maya at ni Sen. Bong Revilla bilang si Gabriel Labrador.

Sabi nga ni Sen. Bong sa amin, medyo bitin pa raw ang love affair nila diyan ni Sanya, pero tuluy-tuloy daw ito at ngayon pa lang ay pinaplantsa na ang book two.

Inaasahang mas marami pang big stars na magi­ging bahagi itong fantasy-action mini series ni Sen. Bong. Kaya lang, marami rin ang humihiling na sana Saturday at Sunday na raw ito mapapanood. Pero nasa GMA na raw ‘yan sabi ni Sen. Bong.

Fantasy naman talaga ang isa sa forte ng GMA 7, kaya tuluy-tuloy ang paggawa nila ng fantasy series, kagaya nitong Daig Kayo ng Lola Ko na nagsisimula na rin palang mag-taping. Iyon nga lang, hindi na kasali si Gloria Romero, dahil mahirap na sa kanya ang mag-taping.

Pero iba pa rin sana talaga, na nandiyan si Tita Gloria kahit nakaupo lang siya at nagkukuwento.

Balik tayo sa 71st anniversary celebration ng GMA 7, maganda at simple lang ang plug ng 71st anniversary ng Kapuso network na pinamagatang Buong Puso Para sa Pilipino.

Ang mensaheng gustong iparating ng naturang plug na sa kabila ng mga pagbabagong dala ng bagong mundo, mas lalong nagsisikap ang Kapuso network na maipadama ang pagmamahal sa lahat.

 

Show comments