_ngayon
^
Mariel Rodriguez aminadong âdi afford ang Hermes bag, Kris Bernal massive ang collection ng luxury bag
Mariel

Mariel Rodriguez aminadong ‘di afford ang Hermes bag, Kris Bernal massive ang collection ng luxury bag

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Ay wala palang Hermes bag si Mariel Rodriguez. Hindi raw niya kasi afford.

Sa kanyang vlog kung saan ipinakita ni Mariel ang Louis Vuitton bags niya, inamin niya sa last part nito na wala siyang Hermes.

In a way ay nakakagulat dahil lahat yata ng mga artista ngayon, ordinary thing na lang ang nasabing brand ng bag.

But anyway, massive naman ang collection niya ng LV na sabi nga ay mother and daughter ang kanyang LV BB collections.

Anyway, ang isang shocking ang collection ng bag ay si Kris Bernal.

Literal na mapapa-wow ka nang ipakita niya sa kanyang vlog months ago.

Ang dami niyang Hermes, Channel, Celine, lahat yata ng luxury brand na may mga limited edition like Valentino, LV, Prada, etc. etc.

Talagang maa-amaze ka.

Pero true kaya na ang iba sa nasabing collection ni Kris ay regalo ng mga naging ex niya? Hehehe.

Chika lang naman.

Diumano’y dalawa rito ay regalo ni Vice Governor Jolo Revilla at isa pang congressman.

Pero throwback story na ‘yun in all fairness.

Well, ikakasal na si Kris kay Perry Choi. Dapat ay June 5 ang wedding nila kaya nung minsan ang post niya ay : “A toast to our cancelled/postponed/rescheduled wedding. One minute we were finalizing the guest list and invitations - the next all seemed to belong to an entirely vanished world. Elaborate plans blown away! Lol!”

Anyway, isa rin si Carmina Villarroel sa may pinakamaraming Kelly / Hermes bag na kinorek pa niya ang mga tamang pronunciation sa ibang mga pangalan nito. Ang gaganda ng color ng Hermes bag ni Carmina.

Si Marian Rivera ay naka-Hermes nang magpabakuna two days ago.

At siyempre si Sharon Cuneta at Kim Chiu.

Pero talagang naka-tatak na ang nasabing luxury brand kina Dra. Vicki Belo, Jinkee Pacquiao and Heart Evangelista.

Isa pang nakitaan ko ng massive H bag collection ay si Beautederm CEO Ms. Rei Tan. Rare color din ang nasa closet niya, grabe, sa Angeles City.

Maging si chemist Pinky Tobiano, na magkakaroon na rin ng lifestyle show sa ANC and Metro channel.

Well, sinasabi nga nila na investment ang Hermes bag so talagang kayamanan na ang may mga collection nito.

Pero iba pa rin daw ‘pag ang binili mo ay mga lupain dahil siguradong hindi naluluma.

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with