_ngayon
^
Angel, âdi na magiging komedyante pag pumayat!
Angel
STAR/ File

Angel, ‘di na magiging komedyante pag pumayat!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2021 - 12:00am

Nagsimula na raw mag-diet si Angel Locsin. Salamat naman. Hindi natin maikakaila na isa si Angel sa mga pinakamagandang aktres ng pelikulang Pilipino. Kami mismo hanga kay Angel. Pero ang laki nang pakakaiba ng hitsura niya ngayon, tumaba pati ang kanyang mukha, at sa mga lumalabas na pictures hindi lang yata nadoble ang laki ng kanyang katawan.

Dahil daw iyan sa isang gamot na iniinom niya simula noong maoperahan yata siya sa likod, na sinasabing may steroids kaya lumaki siya nang ganoon. At umayos man ang takbo ng industriya, hopefully in two years time kung iba na ang mga mamumuno dito, papaano nga ba siya makakabalik? Anong role ang makukuha niya kung ganoo siya kataba?

Hindi puwedeng biglaan ang pagpapapayat, lalawlaw ang balat niyan. Kailangan talaga unti-unti at nasa ayos, kaya Mabuti naman at nagsisimula na siya ngayon pa lang. Bata pa si Angel, magtatagal pa ang career niyan. Mahusay siyang aktres at kailangan ng industriya ng ganyan. Sayang naman kung dahil sa kanyang katabaan ay mapilitan siyang maging isang comedian.

Alden dehado kay John Lloyd

Walang duda na sa ngayon, kung ang basehan ay popularidad at bankability, pinakamalaking male star sa network na nasa Kamuning si Alden Richards. Kung tuluyan na ngang papasok sa kanila ni John Lloyd Cruz, hindi maaaring hindi magkaroon ng comparison. Masakit mang aminin, medyo mababawasan ang popularidad ni Alden.

Naghintay din naman si  Alden bago sumikat talaga. Tiyempo na nai-partner siya kay Maine Mendoza. Kinilig ang fans at doon tumaas nang husto ang popularidad nina Alden at Maine. Iyong mga ganoong biglaang sikat bababa rin naman, pero napadali iyon nang aminin ni Maine na hindi si Alden ang totoong nanliligaw sa kanya at noon ay boyfriend na niya kundi si Arjo Atayde. Aminin man nila o hindi, biglang baba rin ng popularidad ni Maine, dahil iyong fans pala, talagang AlDub lang ang gusto.

Nabawasan din naman ang popularidad ni Alden, pero dahil backed up siya ng network hindi masyadong lumaylay ang career niya.
Nakabawi si Alden nang itambal kay Kathryn Bernardo, at nagawa nila ang highest grossing Filipino film of all time. Naibalibag nila ang box office record ni Sharon Cuneta. Pero hindi nagkaroon ng follow up. Mahihiram ba agad ng Star Cinema si Alden? Papayag ba naman ang ABS-CBN noong araw na mahiram ng GMA si Kathryn lalo na pagkatapos ng pelikulang iyon? Nasundan pa ng lockdown dahil sa COVID at unang ipinasara ang mga sinehan, kaya papaano pa?

Hindi pa nakakabawi si Alden ulit, at narito na, dumating na si John Lloyd Cruz. At kung totoo na nga ang balita na magiging consultant ng artists’ center ng GMA ay mga dating taga ABS-CBN, sino ang magkakaroon ng advantage? At huwag na nating isipin iyon, doon na lang sa record, kumbaga sa boxing ay tale of the tape, mas lamang si John Lloyd at dehado na si Alden sa labanan, maliban kung may magagawa silang milagro para makapagrehistro ng upset. May paraan pero hindi madali.. Diyan nananaig at kailangan ang isang “career tactician” na nawawala na ngayon dahil sa sobrang tiwala ng managers sa sarili nila. Hindi nila alam ang style ng talent managers noong araw na bukod sa kanila, mayroong “career tactician” na gumagawa ng mga diskarte. Iyong kabisado ang galaw ng industriya at ng market. Hintayin natin kung ano ang kalalabasan ng sagupaan nila, pero sa tingin namin “llamado” diyan si John Lloyd. Pero hindi natin alam kung “may hidden card” si Alden.

Sexy male star, buking na naging hosto

“OMG, siya nga iyan,” sabi ng isang dating PR man ng isang film company, nang makita ang isang picture ng lalaking nakahubad kahit na hindi naman kita ang ulo.
“Hindi ako magkakamali kasi tandang-tanda ko pa na parang may balat siya malapit sa singit kaya hindi ako magkakamaling siya iyan. Nakikita namin iyan kung nagbibihis sila sa mga pictorial at shooting noon,” sabi pa niya.
Iyon namang pictures ay sinasabing galing diumano sa isang dating gay bar owner na nakarelasyon ng sexy male star noong araw. Nagtrabaho raw kasi iyan sa isang hosto bar nang walang mangyari sa career.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with