^

PSN Showbiz

Bini, magpapasiklab na sa official launch nila

Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos pabilibin ang local at international fans bago pa ang kanilang official debut, ipapakita na ng pinakabagong P-pop girl group na BINI ang kanilang ibubuga sa inaabangang grand launch nila ngayong Hunyo 4 at 11, 6 PM (Philippine time) sa KTX.PH.

Puno ng sorpresa at pasabog ang two-part event na pinamagatang BINI: The Launch, kung saan ibibida ang iba-ibang personalidad at talento ng walong BINI members pati na ang mas palaban nilang look at tunog.

Sa The Runway ngayong Hunyo 4, rarampa sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa fashion show suot ang iba’t ibang likhang espesyal na dinisenyo para sa bawat isa sa kanila ng sikat na Filipino designer na si Francis Libiran.

Makaka-bonding naman ng fans ang BINI sa The Showcase sa Hunyo 11. Bukod sa fan conference, mapapanood dito ang hinihintay na bonggang performances ng grupo, videos tungkol sa mga pinagdaanan nila bago ang launch, at ang paglulunsad ng music video para sa latest single nilang Born to Win.

Available sa KTX.PH ang VIP tickets (P499) na bibigyan ang fans ng pagkakataong maging bahagi ng virtual audience sa June 11 live show, pati ang general admission tickets (P399). Magagamit ang bawat nabiling ticket sa panonood ng dalawang shows ng BINI.

Pagkatapos namang pumirma sa Star Magic noong nakaraang taon, ipinakilala na ring Star Music talents ang BINI ngayong 2021. Gaya ng brother group nilang BGYO, dalawang taon ding nag-training ang BINI sa ilalim ng Star Hunt Academy, na hinahanda at hinahasa ang iba’t ibang talents na gustong maging international star.

BINI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with