_ngayon
^

Fans mahilig sa ‘di purong Pinoy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Ang aga kahapon, may tumawag agad sa amin para panoorin daw ang telecast ng Miss Universe 2020 sa Fox Life channel. Eh di sige.

Pero sa totoo lang, hindi kami mahilig manood ng mga ganyang pageant. Matagal na kaming nawalan ng gana. Kasi sa pamimili lamang ng kakatawan sa Pilipinas, namamayani ang kaisipang kolonyal.

Napatunayan na naman nating maganda ang Pinay nang manalo si Gloria Diaz at si Margarita Moran.  Pero sa pagpipilit nating manalo, isali natin si Pia Wurtzbach, nasundan pa ni Catriona Gray, ngayon naman si Rabiya Mateo na ang ama ay isang Indian bagama’t hindi niya kinalakihan.

Isinali rin si Megan Young. Eh mga pangalan pa lang hindi na Pinoy.

Tapos galit na galit naman sila dahil ang ­malalaking negosyo raw ay kontrolado ni Sy, ni Tan, Ang,  Go at iba pa.

Ano ang kaibahan noon eh iyang mga sinasanto ninyong beauty queens ay hindi rin naman purong Pinoy at minsan pa ay palpak na magsalita ng Tagalog.

Para bang napakalaking pagkakaiba kung ang pangalan ng kaibigan mo ay Biden o kaya ay Xi. Papaano naman ang tunay na Pilipino?

Ang pamamayani ng kaisipang kolonyal ay hindi naman katiyakan na mananalo ka nga, halimbawa ngayon na hindi naman naka-arriba si Rabiya. Hindi ba mas maganda kung matalo man tayo, ang ipinadala naman natin ay isang purong Pilipino.

Natatandaan namin kung gaano tayo kayabang noong maging Miss International si Gemma Cruz, at tapos nakuha ulit ni Aurora Pijuan ang naturang korona, kasi tunay at puro silang Pilipino.

Eh iyang mga mixed blood hindi mo maangkin eh. Hindi ba nang manalo si Catriona Gray sinasabing ang talagang nanalo ay Australia dahil hindi lamang ipinanganak sa Cairns City sa Queensland si Catriona, doon din siya lumaki at nag-aral.

Tapos isinulong pa niya ang pag-aaral sa Berklee College of Music sa Boston, at saka lamang siya napadpad sa Pilipinas, naging model at beauty queen. Paano mo ngang maangking Pinay iyan?

Iyan nga siguro ay masasabing maliliit na bagay pero nakakawalang gana sa maraming kagaya namin na ang paniniwala, dapat nagpapadala tayo ng beauty queen na tunay na dugong Pinoy.

Kailan ba nagkaroon ng tisay na Miss Senegal? May maputi bang Miss Dominican Republic?

Hindi na kami nagtataka kung bakit naging alipin tayo ng Espanya ng 366 years, ng mga kano ng 54 years. Nang mga Hapones ng apat na taon, at ­ngayon ng mga Tsino, kasi nga dahil sa ating kaisipang kolonyal na litaw na litaw sa ating choices kahit ng mga beauty queen.

Maski sa entertainment, marami ang naiinis kasi raw ang mga Pinoy naloloko sa mga artistang Korean. Hindi ba ninyo alam na kaya ganoon ay dahil wala rin namang pinasisikat na Pinoy?

Pilit nila noong pinasikat si James Reid na ni hindi nga makapagsalita ng diretsong Pilipino. Nariyan si Matteo Guidicell na Italyano. Nariyan
si Xian Lim na isang tsino.

Ano ang kaibahan noon kung nababaliw rin ang mga Pinoy kina Song Joong-Ki?

Vlogger, mas piniling kumita sa laswaan para mabilis yumaman

Napanood namin ang interview ni ­Jessica Soho sa isang social media influencer na ­umaming nagbebenta siya ng sex video, dahil gusto raw niyang umasenso sa buhay at alam niyang hindi mangyayari iyon kung magtitiyaga siya sa suweldong minimum wage lamang.

Napansin din naming naka-make up ang lalaki at may lipgloss na kulay pink. Mahihiya rin sa kanyang accent sina Wendell Alvarez at Ismaelli Favatinni.

Siguro maihahanay nga siya kay Markova.

Talaga bang ganoon na ang uso ngayon? Wala nang pakialam sa umiiral na values basta kumita lamang ng malaking pera? Bakit ba binabawal ang online sabong, ang video karera, at maski na ang droga, ganung kagaya rin nang nagbebenta ng sex video sa internet wala naman silang inistorbo at gusto lamang yumaman nang madali?

Bakit hinuhuli ang nagsasayaw nang hubad sa mga beerhouse at sa mga gay bar noon, o ang mga masahista na may “happy ending” na tinatawag, ganoong malayang nagagawa ang sex sa internet?

Ang interview mismo kung saan inamin niya ang lahat sa national television kung ano ang kanyang ginagawa at kung papaano niya ginagawa ay isang matibay na ebidensiya na.

Wala ba kaming mababalitaang hinuli rin iyan?

 

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with