^

PSN Showbiz

Rabiya nagkasugat-sugat sa ‘di nasuot na ‘korona,’ nag-sorry nag-promise na babawi Catriona, ‘di bet ang sinuot ni Rabiya

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rabiya nagkasugat-sugat sa �di nasuot na �korona,� nag-sorry nag-promise na babawi Catriona, �di bet ang sinuot ni Rabiya
Rabiya

MANILA, Philippines — Kasing-init ng panahon ang reaction ng fans sa inirampang National Costume ni Rabiya Mateo kahapon Miss Universe Prelim round.

Nag-sorry si Rabiya matapos ngang hindi niya mairampa ang supposedly ay crown ng kanyang costume sabay habang lumuluha. “I’m so sorry guys kung na-disappoint kayo sa akin. But I know I did best. I even caught my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo,” ang umiiyak na sabi ni Rabiya kahapon.

“But I kept fighting kahit wala nang oras to retouch my hair, to retouch my make-up. I was running for pins, scissors just to be able to execute the costume really well. Maraming salamat guys sa lahat kanina.  But I really felt great. Feeling ko kanina habang naglalakad ako, I was so beautiful. Nakita ko yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta ninyo,” sabi niya pa.

Dagdag pa niya : “May malaking laban pa kaya sana ipagdasal ninyo kaming lahat na girls na ma-execute ‘yung pinaka-best performance na kaya namin. Our goal really is to maker our country proud. Sana maging proud din kayo sa akin. It’s never easy pero kinakaya ko talaga para sa inyo. Pero ang sarap ng feeling everybody kept cheering for me.”

Pahabol pa niya sa kanyang post na “Tonight was a good night. I had fun. That’s what really matters.”

Ang namayapang Pinoy designer na si Rocky Gathercole ang gumawa ng kanyang costume. Habang ang Bulacan-based jeweler Manny Halasan.

Agad namang naglabasan sa social media ang original cut ng nasabing costume. Obviously ay retouched ang version na ipinasuot kay Rabiya.

Ang sinasabing missing piece na crown na sun ang shape ay maluwag talaga raw kay Rabiya at nahuhulog kaya nag-decide na lang silang ‘wag na itong irampa ni Rabiya. Ayon nga kay Shamcey Supsup ng MUP, hindi na nila pinilit dahil mabigat na rin ang pakpak niya sa MU NatCos.

Nagsalita naman si Catriona Gray na hindi siya dapat mag-sorry pero nauna na nag-trending ang former Miss Universe sa nauna nitong tweet na : “Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes. Who were yours?”

Though bumawi ito sa IG story na “20++ KGS BUT @RABIYAMATEO CARRIED IT WITH SUCH STRENGHT.

“IF THIS IS AN INSIGHT TO HER LEVEL OF PERFORMANCE, SO EXCITED FOR PRELIMS!”

Pero ang ikinaloka ng iba, tinalbugan si Rabiya ni Miss Universe Cameroon Angele Kossinda sa costume na gawa ng Pinoy student from Isabela na inspired sa kanilang national animal.

Well-fitted pati ang headdress nito at bet siya ng maraming nakapanood sa MU NatCos. Naging comfortable rin ang pagrampa nito at walang issue.

Anyway, wait natin dahil sa Monday na (Philippine time) ang coronation ng Miss U 2020.

 

 

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with