Shopaholic no more…Alex, natutong magtipid sa asawa

Alex

Mula nang magkaroon ng asawa ay malaki na ang ipinagbago ni Alex Gonzaga pagdating sa pamimili ng mga sariling gamit. Noon ay nabibili ng aktres ang mga personal na gamit na kanyang nagugustuhan lalo pa’t sariling pera naman na ang kanyang ginagastos para rito. “Talagang totally shopaholic. Alam n’yo naman bunso ako tapos una, laging nabili ‘yung panganay tapos ‘yung mga pinaglumaan na niya sa ‘yo. Sa mall umiiyak talaga ako ‘pag hindi ako ibinibili. Kailangan ibili ako kahit isang pirasong clip or ballpen or headband. So no’ng kumikita ako talagang winawaldas ko talaga ‘yon sa mga bagay-bagay. Buti na lang kinukuwestiyon niya ako ‘pag bumibili ako ng mga kung anu-ano. So kahit paano nako-control,” pagbabahagi ni Alex.

Ayon sa aktres ay naging malaking impluwensya sa kanya ngayon ang asawang si Mikee Morada dahil sa pagiging ma­tipid nito. “Ako lahat ang bumibili para sa kanya. Kasi ang asawa ko ay very practical talaga. So lagi lang niyang pinabibili sa akin ay mask,” nakangiting kuwento niya.

“Ang natutunan ko kay Mikee ever since magdyowa pa lang kami. ‘Pag may gustong bilhin si Mikee, whether it be big or small purchase, hindi niya binibili kaagad. Pinag-iisipan niya ng 3,000 times. May point dati na nagpunta kami sa States, sumabay siya sa amin no’ng nag-States kami. Sabi niya, ‘Samahan mo naman ako, bibili ako ng laptop.’ Naka-apat kaming bilihan ng laptops. Tapos hindi pa rin siya nakabili, hindi ko alam kung bakit. Tapos the next day pa siya nakabili. Apat na Best Buy, ‘yung bilihan ng appliances. Tinitingnan lang niya kung talagang pare-pareho ng presyo. Tapos tuwing pumupunta kami sa appliance center na ‘yon, ako ang may nabibili isa-isa. Nakikipag-usap siya sa mga staff. Kailangan niya maisip ng ilang beses. So ‘yan ang natutunan ko sa kanya,” paglalahad ng aktres.

Janella, nawalan ng self confidence pagkapanganak

Oktubre noong isang taon nang ipanganak ni Janella Salvador ang supling nila ni Markus Paterson na si Jude. Mula nang ma­nganak ay talagang bumaba na raw ang self confidence ng aktres. “After giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence. Nawala lahat ng vanities sa katawan ko. Like when I look in the mirror, I don’t really see myself anymore. It did take a toll on my confidence. But now I’m slowly trying to take care of myself more. Get some self care in and try to get my old self back,” pahayag ni Janella sa Metro.Style.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa kasintahan dahil talagang responsable raw bilang isang ama si Markus. Tutok umano ang aktor sa pag-aalaga sa bata kaya nagagawa na rin Janella ang ibang mga bagay. “I just relax, I try not to think of things that I have to do, even just for 10 minutes to an hour, just to refresh myself. I play games on my phone or I read, or just simple things like that. Now I’m trying to squeeze in going to the derma. So that’s my self-care na, and working out sometimes,” pagbabahagi niya. Reports from JCC

Show comments