_ngayon
^
Bea, gerald at julia, pinanghinayangang hindi bumida sa The Broken Marriage Vow
Julia at Gerald
STAR/ File

Bea, gerald at julia, pinanghinayangang hindi bumida sa The Broken Marriage Vow

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

May umasa pala na ang magbibida sa local adaptation ng Doctor Foster ay sina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto.

Hahaha.

Tiyak daw kasing kung sila ang magbibida, walang magiging effort ang acting, magiging natural ang lahat.

Sumikat din ang Korean version nito na The World Of A Married.

Kuwento ito ng isang doktora na naging unfaithful ang asawa at nakarelasyon ang isang mayamang dalaga. Pero pinipilit nitong (misis) isalba ang relasyon nila.

Swak daw sana sina Bea, Gerald and Julia.

Yung mga eksena raw sanang confontation, magiging natural.

Kaya maraming ilang sad. Pero naman hindi matatapatan ang husay ni Jodi Sta. Maria, kasama sina Zanjoe Marrudo at Sue Ramirez na siyempre ay mataas ang expectation sa local version na may title na sa The Broken Marriage Vow.

Ang The Broken Marriage Vow ang ikaanim na local adaptation ng  Doctor Foster kasunod ng mga bersyon nito sa France, Russia, Turkey, India, at South Korea.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with