_ngayon
^
Megan gusto ring maging writer!
Megan at Mikael
STAR/ File

Megan gusto ring maging writer!

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Enjoy at grateful ang real-life celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa takbo ng kanilang karera sa Kapuso Network.

Sa podcast nina Mikael at Megan, ikinuwento nila ang ilan sa kanilang dream ­projects at future plans sa GMA-7.

Para kay Megan, bukod sa pagiging aktres ay pinag-iisipan din niya kung maaari rin siyang magtrabaho sa likod ng camera at magsulat ng mga kwento.

“My forecast for GMA is I will still be working with GMA in the future. But, I do wonder if I am going to work as just an actress, just a host, or am I going to take on a different role. Am I still going to be in front of the camera or will I be behind the camera also? Before, I really wanted to become a writer. I wanted to create stories,” ayon kay Megan.

Para naman kay Mikael na enjoy raw ngayon sa pag-arte, open din daw siya na subukan ang iba pang proyekto gaya ng hosting.

Aniya, “And we’ve seen it with so many actors and actresses na they would veer towards more hosting gigs because that’s more regular. And hours will be easier so there will be more times spent with the family. I think the balance of acting and hosting might change or I think it will change.”

Samantala, masusubukan ang husay sa hosting nina Mikael at Megan sa newest musical matchmaking competition ng GMA-7 na Sing For Hearts kung saan sila ang napiling maging hosts ng programa.

Kapamilya, sagot ang summer bonding sa libreng movies at series sa Youtube super stream

Kahit nasa bahay ka lang ngayong summer, gawing mas masaya at mas kumpleto ang pakikipag-bonding sa buong pamilya at barkada kasama ang ABS-CBN dahil libre itong magpapalabas ng mga paboritong pelikula, classic Pinoy teleseryes, digital concerts, at marami pang iba sa YouTube Super Stream.

Simula Mayo 9, magiging available worldwide ang sari-saring kwentong Pinoy at musical experiences sa iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng saya, kilig, at inspirasyon sa mga tahanan saan man sa mundo.

Hindi na kailangang lumabas para ipagdiwang ang Mother’s Day dahil simula Mayo 9, pwedeng i-stream ang movies na Anak, Tanging Yaman, mga teleseryeng Budoy, Momay at MMK episodes tungkol sa iba’t ibang kwento ng kadakilaan ng mga ina.

Sa linggo naman ng Mayo 16, pwedeng panoorin ang He’s Into Her exclusives tampok sina Donny Pangilinan at Belle Mariano at episodes ng  Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil. Isang bagong music ­video rin ang handog ng rising P-pop group na BGYO para sa kanilang dumadaming fans.

Online sinehan at kilig-fest naman ang handog ng Star Cinema simula Mayo 23 sa pagpapalabas nito ng blockbuster hits na Hey Babe, Love Me Tomorrow, at All About Love.

Sa parehong linggo, mapapanood din sa unang pagkakataon ang deleted scenes mula sa Hello Stranger: The Movie tampok sina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Matututo NAMAN habang nag-eenjoy ang mga bata mula May 31 sa episodes ng seryeng Super Inggo at classic movies na Magic Temple, Sarah Ang Munting Prinsesa, at Ang TV the Movie: The Adarna Adventure.  Dadalhin din nina KZ Tandingan at Yeng Constantino ang live musical experience sa mga tahanan sa kani-kanilang digital concerts.

KAPUSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with