^

PSN Showbiz

Jake, five years nang single

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake, five years nang single
Jake

Si Jake Ejercito ang magiging ka-love triangle nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa seryeng Marry Me Marry You ng Kapa­milya Channel.

Malaki ang pasasalamat ni Jake sa pamunuan ng ABS-CBN dahil nabigyan siya ng pagkakataong mapabilang sa isang magandang proyekto. “When I got the offer to do this project  and I saw the cast I would be working with, it was so overwhelming, exciting, and nerve-wracking at the same time. I’m so grateful sa Dreamscape for giving me this chance. Maganda ang story niya kasi it’s what the viewers need ngayon. Kasi itong show, it’s not your typical drama. It’s lighter than usual so feeling ko maganda ‘yung time na ito ‘yung mai-offer natin sa mga viewers natin ngayon,” pagbabahagi ni Jake.

Ngayong aktibo na sa pagiging aktor ay posibleng makatrabaho ni Jake ang dating kasintahang si Andi Eigenmann at ina nitong si Jaclyn Jose.

Kung sakaling mabibigyan ng pagkakataong makatrabaho ang mag-ina ay talagang kailangang paghandaan daw ito ni Jake.

Samantala, ngayon ay walang kasintahan si Jake dahil abala rin sa pagiging ama sa anak nila ni Andi na si Ellie. “I’ve been single for the past five five years, I think. Because I really chose to focus sa paren­ting these last few years. ‘Yon ang mahirap ngayon, walang chance to go out and meet new people. Right now kasi I have Ellie, I’m happy and content with the situation now,” pagtatapos niya.

MICA, nanibago na walang tagabitbit sa taping

Para kay Mica Javier ay ibang-iba ang kanyang karakter bilang si Paulina sa te­leseryeng Init Sa Magdamag. Gumaganap ang aktres bilang kaibigan ng karakter ni Gerald Anderson na si Tupe.

“Marami akong eksena rito kasama si Gerald. Hindi ko alam kung good girl ba ako or bad girl. Ibang-iba itong character na ito sa mga nagampanan ko before,” bungad ni Mica.

Ayon sa aktres ay talagang nanibago siya ngayon sa trabaho dahil sa pagpapatupad ng lock-in taping. “Ibang-iba siya sa experience ko sa Los Bastardos kasi chunks nga ‘yung ginagawa namin. Ito ‘yung first taping ko after lockdown. No’ng umpisa talagang nag-struggle ako sa letting go of the fear of COVID. Tapos this time wala ka talagang katulong, wala kang personal assistant, walang magbibitbit ng gamit mo. So lahat ‘yon on top of memorizing the lines. Despite all of those extra challenges na dinulot nitong bagong setup, once nakatapak na ako sa set, parang may nagki-click na lang na alam ko kung ano ‘yung character ko, and na-enjoy ko talaga,” kuwento ng aktres. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with