^

PSN Showbiz

Christopher at Sandy, inantok at nagutom pagkatapos na bakunahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher at Sandy, inantok at nagutom pagkatapos na bakunahan
Christopher at Sandy

Natawa ako, Salve, nang ikuwento ni Christopher de Leon ang naging epekto ng bakuna sa kanila ni Sandy Andolong. Pareho kami na laging inaantok at madalas magutom.

Bongga sina Christopher at Sandy kasi talagang kung ano ang naging experience natin na pumila at naghintay, ganundin sila.

Talagang hanga ako sa volunteer doctors and nurses na ang tiyaga at pagod na pagod sa rami ng tao na binabakunahan. Napakabait ng mga batang-bata na mga doktor na ingat na ingat sa pagbakuna lalo na sa seniors.

Iyon bang talagang ayaw nila na ma-feel mo ang pain ng bakuna. Bow ako sa kanilang sacrifice, ‘yung kahit oras na ng pagkain, andun pa rin sila. At ‘pag nakita mo sa labas kung saan sila kumakain, parang nagmamadaling tapusin ang pagkain para makabalik agad sa puwesto nila.

Talagang gusto mong yakapin lahat ng frontliners na nagtrabaho at nagbigay ng oras para sa pagpapabakuna. ‘Yung isa ngang doktor madalas akong pagalitan kasi ‘pag sumasagot ako sa mga tanong dahil feeling ko hindi maintindihan dahil sa face mask, binababa ko ito, ‘please don’t put it down,’ talagang siguro nasa isip ni doktora na ang tigas talaga ng ulo ko.

Hay naku, basta sa kanilang lahat, salute at forever grateful talaga ka­ming mga nabigyan ng bakuna.

Salamat po, ipagdarasal namin na sana lagi kayong matibay sa hirap ng trabaho. 

Sanya, pinaghatian nina Sen. Bong at Gabby

Humarap ngayon sa mediacon si Sen. Bong Revilla. Malapit nang mapanood ang Agimat ng Agila na talagang excited siya dahil sa magandang trabaho ni direk Rico Gutierrez at sa malaking suporta ng GMA 7.

Baka ito ang maging bagong favorite ng mga bata ‘pag Sabado dahil sa magandang istorya, bukod pa sa mga eksena na nilagyan ng special effects.

Matagal ang naging preparation ng Agimat ng Agila dahil nga sa mahihirap na eksena. Isa itong sentimental project para kay Bong dahil may shade ng Agimat movie ng father niyang si Mang Ramon.

Bongga si Sanya Lopez ha, Monday to Friday, Gabby Concepcion ang kasama niya sa First Yaya, ‘pag Sabado, Bong Revilla naman sa Agimat ng Agila, very lucky star talaga.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with