^
Kylie, nililihim noon ang pagpa-pageant
Kylie

Kylie, nililihim noon ang pagpa-pageant

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2021 - 12:00am

Marami na ang nagbago sa mga katangian ni Kylie Verzosa mula noong hindi pa sumasabak sa beauty pageant hanggang sa naging isang ganap na artista.

Noong kabataan ay talagang mahiyain daw ng aktres. “Sobrang mahiyain ako noon. Sobrang soft spoken, quiet lang ako, shy type,”  bungad ni Kylie.

Ayon sa dalaga ay kailangan niyang baguhin ang pagiging mahiyain upang makipagsabayan sa ibang kandidata noon sa Binibining Pilipinas. “Coming here to Manila and getting into showbiz, hindi na puwede ‘yon. Kakainin ka na nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy,” paliwanag ng beauty queen.

Nag-aaral pa lamang noon si Kylie nang unang sumali sa beauty pageant. Inilihim pa muna raw ng dalaga sa mga kaibigan ang pagsali sa Binibining Pilipinas noon. “Coming from Ateneo, pumasok ako sa showbiz, parang itinago ko pa sa mga friends ko. Nahihiya pa ako na sabihin na ito ‘yung gusto kong gawin, magpa-pageant ako. Itinago ko muna habang hindi pa ako nananalo,” kuwento niya.

Minsan nang natalo ang beauty queen-actress sa pagsali sa kumpetisyon noon kaya ito rin ang naging motibasyon upang mapagtagumpayan ang Miss International 2016 title.

“It comes with experience. It comes with failure. Noong nanalo ako ng Miss International, natalo muna ako sa Binibining Pilipinas. That really helped me. ‘Bakit sila, bakit hindi ako ‘yung nanalo?’ ‘Yon ang nasa ulo ko. Mas nagpursige ako na aralin kung ano ba talaga ‘yung hinahanap nila. And over time, I was able to build confidence and make myself whatever they wanted me to be. At feeling ko nagagamit ko rin ‘yon sa acting ngayon,” paglalahad ni Kylie.

Julia, gusto nang magkapamilya next year

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-guest si Julia Barretto sa YouTube channel ng kasintahang si Gerald Anderson. Naibahagi ng aktres sa nobyo na nakahanda na nitong talikuran ang show business para sa normal na pamumuhay. “Anytime. I always dream of living a simple, quiet life, family life,” pagtatapat ni Julia.

Kamakailan ay nabanggit din ng aktres sa isang panayam na pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya sa mga susunod na taon. “Because I feel like at an early age I was already exposed to this life. Because I grew up with like aunts who would take me to their work, my dad, my mom. So it was kind of like the only life I knew. So I felt like, you know, that’s where I was going to end up now. But in the future, a simple, quiet life is what I dream,” pagbabahagi ng dalaga. Reports from JCC

 

 

 

 

 

KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with