^
Bimby parang anak nina Tonton at Glydel ang peg
Bimby at Kris

Bimby parang anak nina Tonton at Glydel ang peg

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2021 - 12:00am

‘Yung kaso ni Bimby ni Kris Aquino, para rin sa case ng anak nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

 ‘Yung panganay na anak nina Ton at Glydel na babae, mahilig sa jeans at shirts, ayaw ng bestida, mahilig sa sneakers at ayaw ng formal shoes, hindi palaayos at maraming nagsasabi na baka tomboyita ito.

Kaya kinausap ito ni Tonton, tinanong kung ‘gay’ ito.

Sinabi ni Tonton na walang problema, they will understand and support her. Pero nagsabi ang anak na, girl siya, pero mas gusto niya ang jeans kesa palda, shirt kesa blouse, ayaw niya ng makeup, at sa age niya, ayaw pa niya ng boys, pero talagang girl daw siya.

Natawa talaga si Tonton dahil nga ang husay ng mga paliwanag ng anak, at sabi nga niya, kung sakali tatanggapin niya ano man ang gender ng anak na babae.

Baka naman ganundin si Bimby, gusto lang niya ang freedom sa kilos, sa pananalita, kaya unfair na kung anu-ano ang nilalagay na kulay sa personalidad niya.

Good that Bimby is growing up so well, very close sa mother niyang si Kris, matalino at articulate.

Sure ako, tulad nina Tonton at Glydel, ‘pag kinausap ni Kris ang anak, iyon din ang magiging kasagutan nito.

They want it, ayaw nila nun, as of now, wala pa silang interest sa ibang bagay, so let it be. Have a life, huwag ‘yung pati mga bata ay nakikialam kayo.

EPEKTO NG BAKUNA, NASA ISIP LANG

Sobra yata akong na-excite sa sked natin ng bakuna, Salve. Ang aga kong nagising kahapon, maagang nag-ayos ng gamit, kaya maaga rin ako sa pila.

Kung maaga kasi ako sinabihan ng barangay captain namin, ganito rin siguro ang naging mental preparation ko.

In fairness sa barangay captain naming, tinawagan ako, kaya lang on the day itself, hayun, tamad school of acting ang nangyari sa akin kaya hindi ako nabakunahan.

Buti na lang at sa online meron din pala, kaya na-sked ako a day before nasabi kaya handa ako. Hah hah, big accomplishment na para sa seniors na tulad ko ang bakuna, kaya naman ang laking pasasalamat ko sa office ni Mayor Joy Belmonte ng QC dahil madali ang naging process sa vaccine sked.

So excited, parang noong araw na lagi akong nakapila sa SWA para sa libreng sarsaparilya at nutribun ‘pag nagpabakuna ka.

Walang takot sa epekto na nasa isip lang siguro ng karamihan dahil hanggang ngayon naman buhay pa ako sa edad na 74.

Baka naapektuhan lang sa akin ‘yung naging harbatera ako, hah hah joke joke. 

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with