^

PSN Showbiz

Aktres na walang pinakikilalang karelasyon, tambak ang ‘sponsor’ kahit ayaw magtrabaho

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ayaw magtrabaho ngayon ng isang female persona­lity. Malaki ang kanyang takot sa virus. Palilipasin daw muna niya ang pagtaas ng numero, kapag umokey na ay saka na lang siya tatanggap ng trabaho, para makasigurado siya sa kanyang kaligtasan.

Maraming nagtatanungan kung paano siya mabubuhay nang hindi naman kumakayod. Trabaho ang hanap ng mga artista ngayon, sinusuong nila ang lock-in taping, kumita lang ngayong pandemya.

Kuwento ng aming source, “Sponsored ang kabuhayan showcase niya ngayon, marami siyang isponsores, hindi siya magugutom.

“Marunong sa buhay ang babaeng ‘yun, bakit pa nga naman siya magtatrabaho kung puwede niya namang makuha nang libre lang ang ikabubuhay niya?

“Sa dami ng puwede niyang lambinging sponsors, kahit magtagal pa ang hindi niya pagtatrabaho, e, ayos lang, mabubuhay pa rin siya nang maayos,” unang hirit na kuwento ng aming impormante.

Walang ipinakikilalang karelasyon ang female personality, pinagtatakahan ‘yun ng kanyang mga kaibigan at katrabaho, samantalang maganda na siya ay napaka-sexy pa.

Balik-kuwento ng aming source, “Mas hayahay ang buhay niya nang wala siyang boyfriend. Mas gusto niya ang ganyan, wala siyang kahati sa mga biyayang tinatanggap niya.

“Mahirap na nga naman, baka kapag may naging boyfriend siya, tapos, e, bilmoko pa, e, di may makakalaban pa siya sa kadatungan niya?

“Mautak ang girl, hindi siya tulad ng ibang babae d’yan na ang nagegetlak nilang datung sa sponsors nila, e, iginigibsung naman nila sa boyfriend nila!

“Alam n’yo bang pinuntirya siya nu’n ng isang male personality na ipinaglihi sa manggang hinog sa pagiging user, as in, manggagamit?

“Niligaw-ligawan siya ng male persona­lity, pinapasok naman siya ng girl, hindi niya agad binasted ang guy! Aba, hindi pa man, e, nagpaparinig na ang lalaki tungkol sa mamahaling gadgets!

“’Yun na! Naram­daman na niya agad na gagawin lang siyang azucarera de mama ng manggagamit na aktor, kaya hindi na niya pinansin pa!

“Ano siya, kukuha ng batong ipupukpok sa pechay niya? Hindi, uy! Mas matalino siya kesa sa user na lalaking ‘yun!

“Happy na siya na nabibili ang mga gusto niya. Masaya na siya na kahit pandemya, e, hindi siya magugutom kahit hindi siya magtrabaho dahil marami siyang sponsors na mag-aayuda sa kanya!

“Kikimkimin na lang niya ang pakikipag-boyfriend, saka na lang ‘yun, kapag wala na siyang isponsores!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Derek, napahagulgol nang tawaging ‘dad’

Lantaran ng mga baraha ang naging laban namin sa kontrobersiyal na aktor na si Derek Ramsay nang maging guest namin siya sa Cristy Ferminute.

Inabisuhan na namin siya agad sa um­pisa pa lang ng panayam na ibabato namin sa kanya ang lahat ng katanungan, positibo man o negatibo, na kailangan niyang sagutin nang diretso at buong katapatan.

Wala siyang iniwasang tanong, ma­ging ang mga nakaraan niyang karelasyon ay inisa-isa niya, pati ang naging relasyon nila ni Cristine Reyes na walang kumpirmasyon ay pinanindigan niya.

Ayon kay Direk, “Sabi nila, hindi raw ako ang klase ng lalaking hindi magpapakasal. Mali ‘yun, I’m the marrying type, pero I want to marry the right woman.”

At ang tamang babae nga na pakakasalan niya ay si Ellen Adarna na kailan lang niya nakilala, bubot pa ang kanilang relasyon, pero gusto na niyang maging misis at ina ng kanyang mga magiging anak.

Pareho silang meron nang anak. Ang anak niyang si Austin at ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Maraming naluha sa kanyang rebelasyon.

Hindi pala siya tinatawag na daddy ni Austin, ang pangako ng teenager, kapag magpapakasal na siya ay saka lang siya tatawagin nito ng daddy.

At naganap ‘yun nang magpaalam siya kay Austin na magpo-propose na siya kay Ellen, tumingin nang diretso kay Derek ang binatilyo, “Yes, dad, I want you to be happy.”

“Napahagulgol ako, tumakbo ako kay Ellen, gulat na gulat siya kung bakit ako umiiyak. That was the first time I heard Austin calling me dad,” nangingilid ang luhang kuwento ni Derek.

Mahalaga raw sa kanila ni Ellen ang number eleven. Ang pagkikita nila, ang kanyang proposal, lahat ‘yun ay may kinalaman sa naturang numero.

At sa unang pagkakataon ay sinabi niya, kundi sa June ay sa July magaganap ang kanilang pagpapakasal, may kinalaman din ‘yun sa number eleven.

vuukle comment

DEREK

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with