^
Kim tambak ang regalo, Erap at Bimby binaha rin ng birthday greetings
Kim

Kim tambak ang regalo, Erap at Bimby binaha rin ng birthday greetings

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Tambak ang mga natanggap na gifts ni Kim Chiu sa kanyang birthday kahapon. As in punung-puno ang kanyang room sa rami ng flowers, balloons and cakes, etc. na posted sa kanyang social media accounts.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya. “04.19 woke up to this!

“Today I woke up feeling extra grateful!

“Today I woke up with a smile on my face while reading all your messages to me and caption post too!

“Today I woke up receiving so much love from everyone!

“Today is a special day and I thank our father almighty for this beautiful life he has give me.

“Thank you for all the greetings, my heart is full. kakagising ko palang pero parang dulo na ng araw ko yung natatanggap kong pagmamahal. I JUST WANT TO SAY THANK YOU ALL FOR BEING WITH ME. mahal na mahal ko kayo! maraming salamat!”

Samantala, marami namang nagandahan sa birthday message ni Xian Lim para kay Kim na nagkumpisal ng sobrang pagmamahal sa actress. “Hi @chinitaprincess I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side. Naaalala ko pa nung first date natin, you told me that you’re worried that what we have might not last because of this crazy world we live in. Neysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts, so many people trying keep us apart. May years later, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa, nagmamahalan na parang walang bukas I love you so much Kim, always remember that. Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second. HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU Enjoy this special day! ”

Bukod kay Kim, birthday din kahapon ni former President / Manila Mayor Joseph Estrada na niregaluhan pa ng kanta ni former senator Jinggoy Estrada na may pamagat na Ang Aking Awit Para Kay Daddy (to the tune of Tanging Yaman).

Ika-14th birthday din yesterday ni Bimby Aquino na binati rin sa social media ng daddy niyang si James Yap na common knowledge sa showbiz na hindi sila in good terms. “HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you”

Pero si Kris Aquino, habang sinusulat namin ito ay wala pang paramdam para sa birthday ng anak na bunso.

Recently lang ay sinabi ni Kris, na magiging limited na ang social media exposure ng mga anak niyang sina Joshua and Bimby dahil sa pagdagsa ng bashers. “I’m partly to blame kung nadamay man ang mga anak ko. I’m taking full responsibility. I can never shield them fully because, from the time they were born, I was already Kris, but I can choose what I can show you,” bahagi ng video statement ni Kris two weeks ago bilang sagot sa kung anu-anong isyu na kinakabit sa dalawang anak niyang lalaki.

 

 

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with