^
JM, nagbigay ng awareness sa panic attack
JM

JM, nagbigay ng awareness sa panic attack

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

Very brave move ‘yung ginawa ni JM de Guzman na ipakita ang pa­nic attack na nararanasan niya. ‘Yung ipakita mo ang weakness mo sa publiko, inspiring at magbibigay ng awareness sa lahat para magamot ang ganitong pangyayari.

Very emotional na tao siguro si JM, isang malalim na person na pini­pilit kayanin ang panic attack niya.

Sinabi niya na mabuti na lang, this time medyo matagal bago naulit uli, mea­ning madalas itong mangyari sa kanya noon. Wow, ang tatag din niya to have this kind of, sabihin na nating, isa ring illness na maituturing.

Grabe siguro ang bagsak ng emotional state ng pagkatao ni JM tuwing aatakihin siya. ‘Yung takot na nararamdaman niya, ‘yung pag-iyak niya, dapat siguro lagi siyang may kasama na nakabantay para umalalay sa kanya ‘pag inaatake siya.

Siguro nga kaya nagkaroon noon ng problema si JM at napasok sa rehab dahil sa mga ganitong pangyayari sa kanya.

Now na open na ito, at least aware na ang lahat kung saan tutulungan si JM.

Mukha siyang mabait na tao, mahusay na artista, at propesyunal siguro kaya kahit ilang beses huminto sa showbiz, lagi pa ring welcome ‘pag bumabalik dahil nga sa husay at bait niya sa trabaho.

Gumaling na sana ang nararamdaman na ito ni JM, maayos sana. Be strong.

Community pantry, naging matagumpay

Totoo ‘yung sinulat mo, Salve, tungkol sa community pantry. Sabi ko nga sa iyo, ngayong pandemic talagang mas marami ang mga taong tinamaan sa puso ng kindness at charity. ‘Yung iba hindi lang alam kung paano tutulong at saan.

Sana naman huwag samantalahin ng mga tao na kung minsan sumisira sa magandang ginagawa ng iba ang community pantry. Huwag sanang merong manamantala na kukuha nang sobra, o kaya naman gawing tambayan ang ginawang community pantry.

Iba-ibang way kasi kung paano makakatulong ang community pantry, merong nagbibigay ng libreng pagkain, meron namang puwede kang kumuha ng kung ano ang mga bagay na donation ng mga tao. Kahit sino na may kailangan, puwedeng kumain o kumuha ng kung ano ang gusto niya. Feeling family, feeling community kayo na nagtutulungan.

Genius ang nakaisip ng idea na ito, at nakita mo na nagkaroon ng effect sa maraming lugar. Now ang dami nang community pantry, at ang daming nagdadala ng tulong. Imagine mo na pati ang farmers sa Benguet, nagpadala ng saku-sakong kamote, may nagpadala ng bote-boteng catsup at Mang Tomas sauce.

Maganda at maayos. Sana tuluy-tuloy at huwag sirain ng may mga COVID sa utak. Hayaan nating magtagumpay ito para mas marami ang matulungan.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with