^
Kay Abby lang naka-2 years, Jomari iba-iba ang GF tuwing Pasko
Jomari at Abby
STAR/ File

Kay Abby lang naka-2 years, Jomari iba-iba ang GF tuwing Pasko

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Bukod sa kapatid niyang si Ryan, bongga rin ang rebelasyon ni Anjo Yllana sa aming chikahan sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes ng gabi. Napag-usapan namin ang tungkol sa lovelife ni Jomari na nakikita raw niyang seryoso na sila ni Abby Viduya. Parang naudlot daw kasi ang pagmamahalan nila noong panahon pa ng Guwapings. “Ang kuwento kasi nila sa akin… naudlot ‘yung ano… kasi first love nila ‘yung isa’t-isa eh. Hindi ko naman alam kung ano ‘yung nangyari bakit naudlot. Iyon ang rason nila sa akin na nung nag-contact sila ulit, tapos pareho silang separated. ‘Yun! They decided to try again. So far, it’s working. Nakikita ko masaya si Jom. Nakikita ko masaya si Abby. Happy ako sa kanila,” pahayag ni Anjo.

Sana nga raw tuluy-tuloy na ito, dahil tila nakasanayan na raw na tuwing Pasko ay may ipinapakilala si Jomari sa kanya na girlfriend. “Ang nakakatawa nga eh. Every Christmas si Jomari sa bahay ko, iuuwi niya ‘yung girlfriend niya ipapakilala sa akin. Kunwari si Pops Fernandez… basta isa-isa. Pero every Christmas, iba iba.

“Tatanggapin ko bilang sister, kasi siyempre parang hipag ko na ‘yun. Tatanggapin ko. Magugulat ako, dahil ‘yung susunod na Pasko, iba na naman. So, mga apat o limang beses nangyari ‘yun,” saad ni Anjo.

Fortunately, naka-dalawang Pasko na raw si Abby na kasama nila. “Nung si Abby, two Christmas ago, dumalaw sa bahay, hindi ko masyado pinansin. Kasi ano eh… inu-open arms ko ‘yung sarili ko sa girlfriend niya. itinuturing ko na kapatid, tapos biglang mawawala. Iba na naman. Kaya nitong huling Pasko, New Year actually, sabi ko kay Abby, ‘Abby sorry ha?’ Kinuwento ko sa kanya. Tawa naman siya nang tawa.

“I think, they are compatible, comfortable, very loving and caring to each other.”

Si Anjo naman ay ilang taon na ring loveless. Inamin naman niyang mahigit anim na taon na silang hiwalay ni Jackie Manzano, pero nananatiling magulang daw sila ng apat nilang anak. “Kami ni Jackie, okay naman. Me­ron na siyang boyfriend for the past five years. ‘Yun ang isang bagay na kahit hindi ako umaalis para malaman ng mga bata na hindi ko sila hihiwalayan. We take turns, pero kadalasan ako nasa bahay lang, kasi gusto ko makita mga anak ko nababantayan. Lalo na ngayong pandemic,” kaswal na kuwento sa amin ni Anjo.

Proud siyang graduate na ang panganay niyang anak, at  nagsisimula na raw itong magtrabaho.

Tuloy pa rin naman ang Happy Time ni Anjo, kahit work from home raw muna sila. Hinihintay na lang daw nila kung sino ang papalit na presidente nila sa Eagle Broadcas­ting at Net 25, dahil alam naman ng lahat na pumanaw sa COVID-19 ang in charge sa kanilang mga shows na si Ka Jun Santos.

Christopher, sunud-sunod ang trabaho

Ngayong gabi pagkatapos ng First Yaya ay magsisimula na ang huling installment ng I Can See You na The Lookout na pagbibidahan ni Barbie Forteza kasama si Paul Salas at may partisipasyon ni Christopher de Leon na matagal ding napaanood sa ABS-CBN 2. Ang huli niyang ginawa sa Kapamilya network ay ang Love Thy Woman.

Ngayon ay balik-GMA siya. “I’m grateful ginawa ko ito with GMA. And I’m doing another one after this, and then merong gagawing…. isa na namang out-of-the box material for GMA. Wow! GMA is doing very well, and I thank God for the blessings coming our way,” pahayag ni Boyet sa nakaraang virtual mediacon ng The Lookout.

Dinirek sila ni direk Jules Katanyag na bata pa, bago at mga batang artista na magagaling din kagaya ni Barbie ang katrabaho niya.  “The first time I’ve read the material, na-excite kaagad ako. Sabi ko, ‘let’s do it. Kasi, we seldom get the material with suspense-thriller like this with high-tech gadgets na incorporated sa material, and a nice story about family and all that. It’s amazing!” bulalas pa ni Boyet.

Ganadong-ganado rin siyang magtrabaho sa GMA 7, dahil ang ayos pa raw ng setup ngayong naka-lock in taping. Kasi, napapag-aralan pa nang mabuti ang script at handang-handa na ang lahat kapag isinalang na sa taping.

Bukod sa I Can See You ay may ginawa rin si Boyet na Job, hango sa Bibliya. Prinodyus ito ng isang independent producer at ang pagkakaalam niya ay sa GMA 7 o baka sa GTV ito ipalalabas.

RYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with