^
Ryan, handang layasan ang Pilipinas kung magkaka­balikan ang mga magulang
Ryan
STAR/ File

Ryan, handang layasan ang Pilipinas kung magkaka­balikan ang mga magulang

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

Taong 2010 nang unang makilala si Ryan Bang bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang binatang manirahan sa Pilipinas. Pumunta si Ryan sa bansa upang manirahan nang mag-isa mula nang magkahiwalay ang mga magulang na nakabase sa Korea. “Isa lang wish ko sa buhay ko, gusto ko bati na ang mga magulang ko. Hanggang ngayon ay pangarap ko talaga ay mabuo. Gagawin ko talaga lahat ng paraan. Gusto ko nakatira sa Pilipinas kasama ang mommy ko at daddy ko,” pahayag ni Ryan.

Ayon sa aktor ay hindi pa niya kailanman naranasan na maka-bonding kasama ang mga magulang kaya nangangarap siyang magkabalikan ang mga ito. “Gusto ko isang pamilya eh. Wala pa akong na-experience na bakasyon na magkasama, hawak ‘yung kamay ng tatay, hawak ang kamay ng nanay,” pagtatapat ng binata.

Para kay Ryan ay nakahanda rin siyang talikuran ang lahat ng mayroon siya sa Pilipinas mabuo lamang ang kanilang pamilya. “Kaya kong mag-give up. Kaya kong i-give up lahat ng achievement ko. Kaya kong i-give up lahat ng pera ko. Kaya ko i-give up career ko, lahat kaya ko i-give up para magkabalikan ang mommy, daddy saka ako. ‘Yon promise galing sa puso ko,” pagtatapos ng aktor.

Andi naipakilala na si Jake kay Philmar

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabisita ni Jake Ejercito ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie sa Siargao. Sa naturang isla na naninirahan si Andi kasama ang mga anak at kasintahang si Philmar Alipayo. “More on daddy duty siya. I went there just to pick her up kasi consi­dering si Andi may bagong baby. She has Lilo also, mahihirapan siya kung siya pa ang magdadala dito (Maynila) kay Ellie. Nakiusap sa akin si Andi, kung puwede ko sunduin si Ellie and that’s what I did. I was there for four days and three nights. What’s wonderful about it was, naging parang tour guide ko si Ellie dahil local na siya doon, ako first timer. Si Ellie nag-ikot sa akin. I asked her to show me kung saan siya nagpupunta everyday, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain,” nakangiting kuwento ni Jake.

Ito rin umano ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala nang personal ng aktor ang fiancé ni Andi. Ramdam umano ni Jake na nauunawaan na rin ng kanilang anak ni Andi kung paano ang setup nila bilang pamilya. “Andi and I, ‘yung relationship naman namin when it comes to co-parenting, marami kaming pinagdaanan na phases. Siyempre before, immature pa kami and everything. Malayo rin ang nilakbay bago naging ganito ka-settled and smooth and I don’t ask Ellie about it. Nakikita ko sa kanya na hindi na siya nahihirapan. Smooth lahat, okay ‘yung communication,” paglalahad ng aktor.

Magsasampung taong gulang na si Ellie at ayon kay Jake ay maraming mga katangian ng bata ang namana sa kanya. “One of our similarities is we’re both very, very shy kami ni Ellie, medyo mahiyain rin si Andi. Si Ellie isn’t that expressive eh, pero like once in a while like out of nowhere, mag ‘I love you dad,’ mag ‘Thank you dad,’ ‘Yon na ‘yon for her and more than enough na ‘yon for me when I hear those words from her,” pagtatapos ni Jake.  (Reports from JCC)

RYAN BANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with