^

PSN Showbiz

Talitha, abala na sa online schooling

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Talitha, abala na sa online schooling
Talitha

Wow, nag-o-online schooling na agad ang daughter nina Bossing Vic Sotto and Pauleen Luna na si Talitha.

At ayon kay Pauleen, “Online school for this one! Glad she’s loving it!”

Ang saya nga naman ng hitsura ni Talitha habang nakaharap sa laptop na obviously ay nakikipag-chikahan sa kanyang mga kaklase.

Three years old pa lang si Talitha pero nakikita na nga ang pagiging funny niya just like her dad.

Chinese News TV kinansela, studio ng Anc sinara na

Pinag-usapan kahapon sa social media ang pagkansela ng partnership ng ABS-CBN sa Chinatown News TV (CNTV). Hindi na ito nag-air sa ANC the other night.

Ang CNTV ay Chinese language newscast na owned by Fil-Chinese corporation.

Actually, kaka-air lang daw nito pero mabilis ngang na-cancel.

Halos kabasay nito nang mag-file ang bansa ng panibagong protest sa China dahil nga sa presence ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Nagkaroon din ng kontrobersiya ang pagtataboy sa ABS-CBN news team ng navy ships ng Chinese sa Ayungin Shoal pag-aari ng bansa natin.

Speaking of ANC, kaya pala work from home na lately si Karen Davila ay dahil sinara na ang studio ng ANC sa Rockwell.

Dito ang studio ng ibang news programs ng ANC bago nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

 

vuukle comment

TALITHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with