^
Ria natakot maging paralyzed, sumailalim sa spine operation
Ria
STAR/ File

Ria natakot maging paralyzed, sumailalim sa spine operation

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

Mula nang ma-diagnose na mayroong herniated disc sa kanyang spine noong isang taon ay ginawa ni Ria Atayde ang lahat para makaiwas na mao­perahan. Pero ayon sa aktres ay kinailangan daw talagang surgery ang gawin dahil ito ang rekomendasyon ng doktor. “I really did my best to do everything I can para I would avoid surgery. Pero from the start pa lang, sinabihan na ako that surgery would be my option. For a while it was working, tapos I hit a point na hindi na ako makatayo. Hindi na ako makaupo nang maayos,” kuwento ni Ria.

Dahil sa paglala ng kondisyon ay hindi lamang iisa ngunit walong doktor ang kinausap noon ng aktres bago pa tuluyang sumailalim sa operasyon. “Out of the eight, two of them said, ‘Don’t do surgery, not yet, kaya pa.’ But six of them, ‘You need it or else there’s tendency na puwede ka maging paralyzed or you will reach a point na you can’t control your bladder, internal organs. I was like, ‘Oh my God, really?’ I did pa rin therapy kaso nga this February sobrang lala,” pagdedetalye ng dalaga.

Sobrang nahihirapan nang maglakad si Ria kaya natuloy na ang pagpapaopera nito lamang April 3. “My whole family was telling me na I was walking like a lola already. Parang hindi ko napapansin na gano’n na ako maglakad. I really want to be able to continue to act and I know that for a fact, if I kept my injury there, isa pang intindihin ‘yon when you’re acting. It’s not easy to act when you’re not feeling well,” paliwanag ng aktres.

Barbie, kinumpara ang lock-in sa loob ng bahay ni kuya

Noong Martes ay nagpaalam na ang karakter ni Barbie Imperial bilang si Cai sa teleseryeng Bagong Umaga. Ngayon pa lamang daw ay hinahanap-hanap na ng aktres ang mga kasamahan sa programa. Mas naging malapit sa isa’t isa ang mga artista sa naturang serye dahil sa patuloy pa ring pagpapatupad ng lock-in taping. “Masasabi ko talaga na mas close ‘yung mga artista kaysa noon na wala pang pandemic. Kasi siyempre naka-lock in na kami. May mga bagay or advice na kailangan ‘yung isa’t isa, nando’n na kami sa loob na parang pamilya,” pahayag ni Barbie.

Naihalintulad ng aktres ang kaganapan sa lock-in taping at mga nangyayari sa loob ng Pinoy Big Brother house. Matatandaang naging housemate rin noong 2015 si Barbie sa PBB. “This time naman, mas okay siya kaysa sa PBB kasi walang kumpetensya. As in nagwo-work lang talaga kaming lahat,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

RIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with