^
Marian, may social distancing sa kanyang ­commercial
Marian
STAR/ File

Marian, may social distancing sa kanyang ­commercial

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Safe na safe ang ginawang TV commercial ni Marian Rivera para sa isang fungal infection na ipinalabas niya sa kanyang Instagram.

May social distan­cing si Yan sa mga kasama niya sa TVC. Siyempre, may dalawa siyang anak kaya kailangang maging mai­ngat ang lahat, huh!

Ang pinaghahandaan ngayon ni Mrs. Dingdong Dantes ay ang second birthday ng bunsong anak nilang lalaki ni Dong na si Ziggy.

Simple mang tiyak ang selebrasyon dahil sa kasalukuyang pandemic, memorable namang mangyayari ‘yon knowing Marian na basta alang-alang sa mga anak, handang gawin ang lahat, huh!

Birthday celeb ni Mayor Lani, sinabayan ng sunog

Family gathering ang naganap na birthday ce­lebration ni Bacoor City Mayor Lani Revilla nitong nakaraang mga araw.

Imagine, kung kailan birthday ni Mayora, saka sumiklab ang malaking sunog sa isang lugar sa Bacoor City, huh!

Happy, happy birthday, Mayor Lani!

Jasmine, tuloy na kay Alden

Jackpot na naman si Jasmine Curtis-Smith dahil makakapareha niyang muli si Alden Richards­ sa nilulutong bagong Kapuso series na The World Between Us. Makakasama nina Alden at Jasmine si Tom Rodriguez.

Huling nagsama sina Alden at Jasmine sa I Can See You series na Love on the Balcony.

Marami pang Kapuso series na aabangan ng manonood at halos 100 daw ang programang ihahatid ng GMA.                       

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with