^

PSN Showbiz

Dennis, gumastos ng P1 milyon nang magka-COVID-19!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis, gumastos ng P1 milyon nang magka-COVID-19!
Dennis
STAR/ File

Inakalang katapusan na rin niya...

Habambuhay nang dala-dala ni Dennis Padilla ang alaala at mga natutunan niya nang tamaan siya ng COVID-19 at 12 days siyang na-hospitalize.

Inilahad ito lahat ng komedyante nang makapanayam namin siya sa DZRH noong nakaraang Martes para i-promote ang pelikula niyang Kung Puwede Lang na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Noong nasa pangalawang araw pa lang daw siyang nasa hospital ay buong akala raw niya ay katapusan na niya at kailangan na niyang magpaalam sa pamilya niya. Awa ng Diyos, nalagpasan ito ng aktor, at naniniwala siyang malaki ang naitulong ng mga pagdarasal ng mga anak niya.

Isa na nga raw doon si Julia Barretto na nakaka-video chat niya at sinasabi raw sa kanyang lahat sila ay nagdarasal para sa kanyang paggaling. “Halos every night ko sila nakakausap. She (Julia) was telling na all of them are praying hard for me,” pakli ni Dennis.

“Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon ‘yung mga dasal ng mga anak ko. They were praying for my recovery. They were praying na mawala na lahat ‘yung infection ko sa lungs,” sabi pa ng bida ng pelikulang Kung Puwede Lang.

Sa 12 days na nasa hospital daw siya ay mahigit isang milyong piso ang bill niya, at sinabi nga namin sa kanyang mababa pa ‘yun kung ikukumpara sa ibang naging pasyente ng COVID-19.

Nagpapasalamat siya sa lahat na tumulong at sa buong pamilya, lalo na ang kanyang mga anak na ‘yun daw ang nagpalakas sa kanya. “Talagang nu’ng first, second, third day kasi tinataas ko lang ‘yung kamay ko. Sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ito na ‘yun. Sabi ko lang sa Kanya, sana mapagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Sana You can give me another chance for life,” patuloy na kuwento ni Dennis.

Kaya nagpapasalamat siya ngayon sa Diyos na nalagpasan niya ito.

Nagpapahinga pa raw siya ngayon, nagpapalakas pa dahil bago matapos ang buwang ito ay babalik na siya sa taping sa bagong soap na ginagawa niya sa GMA 7.

Alice, kuntento pa sa pag-aalaga ng baby

Nasa Amerika pa rin si Alice Dixson at nag-e-enjoy muna siya sa pag-aalaga sa kanyang baby. Pero hindi muna niya ito isini-share sa kanyang Instagram account.  Ang isa sa huling post niya sa kanyang IG account ay ang baby boy na naglalakad na nilalaro niya. Hindi ako sure kung pamangkin niya, pero binanggit niya sa caption na “another new cutie patootie addition in our family.”

Aniya pa; “Thinking of how my little one will look like next year walking around like this…eeee!”

Wala pang kinukumpirma si Alice pero may posibilidad na girl ang baby niya dahil may ilang close friends ito na nagko-comment na “i can’t wait to mee her.”

Nakikita rin kung gaano siya kahilig sa mga bata. Kaya sobrang saya na niya ngayon na natupad na rin ang matagal na niyang pangap na maging ina.

Judy Ann ayaw sa ­lock-in

Ibinalita na ngang magkakaroon na rin ng Pinoy adaptation ang Doctor Foster at ang tanong ngayon ay sino ang gaganap.

Noong una pala ay pinag-uusapang si Judy Ann Santos, pero pass daw muna ang original teleserye queen dahil ayaw niyang isalang sa lock-in taping habang ganito kataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Meron din daw nag-suggest na si Angelica Panganiban, pero after Walang Hanggang Paalam, graduate na rin daw sa teleserye ang aktres.

Kaya ang malakas na pinag-uusapang posibleng gaganap ay si Jodi Sta. Maria.

Ang laki na nga ng impluwensya ngayon ng K-drama sa mga ginagawa nating drama series.

Mala-K-drama rin daw ang atake sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Kaya nga si David din ang kinuhang lead actor dahil sa Korean look niyang mala-oppa ang dating.

Tipong inspired din daw sa sikat na K-drama na Start-Up ang gagawing drama series ni Alden Richards. May tentative title itong The World  Between Us na hango rin sa isang sikat na drama series sa Taiwan. Ang makakasama raw dito ni Alden ay sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with