Victor, paboritong barista sa Heartful Cafe

Victor
STAR/ File

Kasama sa cast ng upcoming GTV romcom series na Heartful Cafe ang Kapuso actor na si Victor Anastacio. Gaganap siya bilang si Roco, ang paboritong barista ng customers dahil sa kanyang pleasing personality at loyalty sa cafe.

Kuwento ni Victor, marami raw siyang natutunan sa nagdaang lock-in taping para sa show. Sa una man ay nanibago, aminado naman siyang na-enjoy niya ang panahon na kasama ang co-stars, “Nakakapanibago talaga, syempre ‘yung walang uwian. Focus ka lang sa kung ano bang kailangan mong gawin today, at gawin mo nang tama ‘yun, hindi lang sa taping kundi syempre sa pakikisama sa mga kasama mo sa lock-in taping. One day at a time, be sensitive to others at siyempre makinig sa director sa co-actor, sa mga tao sa paligid.”

Abangan ang makukulay na karakter na mapapanood sa Heartful Cafe sa GTV!

Show comments