Bea umaming hindi seryoso kay Dominic!

Bea at Dominic
STAR/ File

Dating pero ‘di exclusive

Dating, pero hindi exclusive.

In a nutshell, ito ang inamin ni Bea Alonzo sa relasyon nila ng actor na si Dominic Roque sa isang interview.

“No, wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating,” sagot ni Bea nang tanungin siya kung exclusively dating ba sila ng actor sa interview ng Mega Entertainment.

Hindi rin niya kung saan makakarating ang kanilang pagdi-date : “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.”

At nang tanungin siya ni G3 San Diego kung masasabi ba niyang in love siya?

Ang sagot ng actress : “That’s such a big word! I don’t know. But I’ll tell you when I get there,” sagot nito.

There you go. Kung ‘di exclusively dating, casual dating ba ang tawag ‘dun?

Pero pinuri naman niya ang aktor na ‘good guy.’

Last January ay nag-travel sila sa Amanpulo. Nag-travel na rin sila sa Japan.

Mas open sa kanyang feelings si Dominic base sa kanyang mga post.

Show comments