^

PSN Showbiz

Kim, malaki rin ang investment sa boots!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, malaki rin ang investment sa boots!
Kim
STAR/ File

Meron din talagang mga best buy sa online.

Ima­gine ‘yung dalawang high heel boots ni Kim Chiu, P500 lang each.

At gandang-ganda siya sa heels ng nasabing boots na barya lang, kumbaga, sa ibang mga nabili niyang boots na kasama sa kanyang collection na pinakita sa kanyang YT channel.

Akala niya nga, hindi maganda since super cheap ang halaga pero hindi raw, sabay pakita pa niya. Kaya dalawa ang binili niya. “Thigh-high boots tapos ang ganda ng heels, tapos sobrang comfy, at ang mura pa. Inisip ko lang noon na, ay baka kapag dumating iba na, pero no,” banggit niya pa.

Mas bongga sana kung na-mention din ni Kim kung anong online shop ‘yun.

Pero meron din siyang sobrang mamahal na boots na Gucci, Louboutin etc. etc. na mga high-end brand.

Tambak ang boots ni Kim, hindi pa raw complete ‘yung pinakita niya dahil meron pa siya sa third floor ng house nila kasi noon pala wala siyang ganun at nanghihiram lang kaya talagang pinagtrabahunan niya na magkaroon ng mga ito.

Ngayon, literal na tambak ang boots niya. “Dati kasi noong nagsisimula akong mag-artista, wala talaga akong boots. Isa ‘yun sa mga medyo nahihiya ako. So kapag sumasayaw kami, rubber shoes lang ang suot ko, kung ano ang pinangre-rehear­sal ko, ‘yun din ‘yung ipangsasayaw ko. So parang inisip ko, gusto ko ring magkaroon ng boots,” at ‘yun nga, ngayon, hindi siya mauubusan ng boots kahit araw-araw siyang nakaganun na tinuturing na rin niyang investment.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with