^
Marvin kumikita sa Cochi
Marvin
STAR/ File

Marvin kumikita sa Cochi

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Ginagawang workout ni Marvin Agustin ang ‘mixing’ sa kanyang negosyong mga tinapay. As in wala siyang problema kahit nga wala pang mga bukas na gym at hindi nakakapag-workout dahil sa ECQ.

Isa si Marvin sa naging mabenta ngayong pandemic dahil sa mga bini-bake niyang iba’t ibang tinapay at ulam. Pero ang naging best selling niya ay Cochinillo – ‘yung smallest lechon na ‘pag napanood mo ‘yung video habang kinakain ng mga nag-order ay parang juicy and crunchy.

‘Yun nga lang, expensive ‘yun. Pero naging in demand sa mga gustong mag-celebrate pero hindi puwedeng lumabas.

Actually, kung anu-anong ini-experiment ni Marvin na pagkain base sa mga post niya.

Partner si Marvin sa maraming fine-dining resto bago nag-pandemic.

And speaking of Marvin, pakikiliging muli ng ‘90s loveteam nina Marvin at Jolina Magdangal ang kanilang fans sa kanilang digitally restored at remastered version ng kanilang hit movie na Hey Babe! ngayong araw sa Sagip Pelikula Festival sa KTX na proyekto ng ABS-CBN Film Restoration

Sundan si Jolina bilang Abigail, isang babaeng naniniwala na dadalhin ng tadhana sa kanya ang hinahanap na Mr. Right.

Sa kabila ng masugid na panliligaw ni Nelson (Marvin) sa kanya, hindi niya ito sineseryoso. Pero nang malaman ni Nelson na naniniwala si Abigail sa hula, kinuntsaba nito ang isang manghuhula. Hindi magtatagal, mai-inlove na rin si Abigail kay Nelson.

May eksena sa pelikula na nagbi-bake si Marvin kaya post niya, noon pa talaga, baker na siya.

Mabibili na ang mga ticket nito sa http://bit.ly/HeyBabeOnKTX sa halagang P150. Magkakaroon din ito ng pre-show kasama sina Jolina at Nikki Valdez para ikuwento ang kanilang mga karanasan sa paggawa ng pelikulang ito.

Bukod sa Hey Babe!, mapapanood din sa Sagip Pelikula Festival ang ilan pang klasik na romantic movies tulad ng Labs Kita... Okey Ka Lang?,  Gimik: The Reunion, May Minamahal, Forevermore at Radio Romance simula bukas, Abril 9.

Nagkaroon ng chika noon na magkakaroon sina Marvin and Jolens ng reunion movie pero inabutan na ito ng pandemya.

Thankful sa karanasan

May mensahe ng pasasalamat ang itinanghal na Miss Eco International 2020 first runner-up at Kapuso actress na si Kelley Day para sa fans na sumuporta sa kanyang naging journey sa pageant pero wala pa siyang sagot kung nagka-COVID nga siya. “My first international pageant and what an experience it has been. I’m extremely touched by all the support and wonderful messages I have been receiving from all of you.”

Dagdag ni Kelley, iniaalay niya sa bansa ang pagkapanalong ito, “Philippines, this was all for you. Especially those who stayed up ‘til 5 a.m. to watch the coronation night live. I also want to say a HUGE thank you to the Miss Eco International organization for the opportunities, experiences, and memories. And thank you also to my team who prepared me for EVERYTHING – I wouldn’t have come this far without any of you. I LOVE YOU ALL! #PhilippinePride #ForThePhilippines.”

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with