^

Kris, hindi nagpaparamdam!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Intriguing silence ang pananahimik ni Kris Aquino. Parang lately wala akong nababalitaan about her, kung nakalipat na ba siya sa isang lugar na sabi nga niya titirhan niya for sometime para sa hinahanap niyang peace at para na rin sa kanyang health.

Si Joshua tahimik na sa Tarlac, sina Kris na lang at Bimby ang magkasama sa lilipatan nilang lugar, na siyempre hindi puwedeng malayo dahil nga sa kanyang health at dapat malapit para kung kailangan ang medical attention.

Intriguing ang pagiging quiet ni Kris dahil lagi siyang may update sa kanyang followers na talagang solid ang loyalty sa kanya.

Kahit pa nga semi-retired na si Kris, talagang nandu’n sila at laging nakabantay sa mga balita tungkol sa kanilang idol.

Sana naman, dahil gusto lang ni Kris ng katahimikan for now, hindi dahil sa anumang seryosong bagay.

So, basta ok ka Kris, ok kami, be safe and healthy, and always be happy.

Erap, gusto pang humaba ang buhay

Kailangan daw ng dasal sa kalagayan ngayon ni Papa Erap Estrada. Alam mo naman na talagang ‘pag nasa ganung edad ka na, usually mahina na ang panlaban mo sa sakit.

Sana nga malagpasan ni Papa Erap ang kalagayan niya sa ngayon dahil talagang gusto pa niya na humaba ang buhay at ma-enjoy ang mga anak at apo.

Buong buhay kasi ni Papa Erap, showbiz at politics ang naging mundo niya, ngayon lang na nawala na siya sa puwesto, nagkaroon ng mahabang time para ma-enjoy ang private life.

Ipagdasal natin ang dating Pangulo dahil napakarami niyang natulungan ng mga panahon na nasa serbisyo siya.

Mananatiling legacy niya ang Mowelfund, ang samahan kung saan puwedeng tumakbo ang mga displaced showbiz people. We will pray for you, Papa Erap.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with