^
Andrea at Bea, sinasaluduhan sa pagtanggap ng kapalaran!
Andrea
STAR/ File

Andrea at Bea, sinasaluduhan sa pagtanggap ng kapalaran!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2021 - 12:00am

Siguro  talagang likas na maganda sina Andrea Torres at Bea Alonzo. Hindi mo makikita sa mga mukha nila ‘yung inaasahan mong lungkot o problema, instead mas lalo pa nga silang gumanda. At maganda ang kanilang attitude at pagdadala sa mga nangyayari.

Iyan ang dapat nating hangaan kina Bea at Andrea, ‘yung dignity of acceptance, self-respect na hindi nawala sa kanila. Strong and intelligent ladies na maganda ang puso at matino ang utak.

Kung isa kang lalaki, ganitong klase ng babae ang pipiliin at mamahalin mo, dahil hindi ka bibigyan ng kahihiyan at tanggap kung anuman ang kapalarang ibinigay sa kanila.

Sina Bea at Andrea ang example ng isang tao na maganda ang loob kaya maganda rin ang kabuuan ng panlabas na anyo, beautiful inside and out

Mga controversial couple, hindi na ginugulo

Masaya ’yung nakikita mo na very happy ‘yung mga couple na lately lang naging very controversial, Salve, tulad nina Gerald Anderson, Julia Barretto, Derek Ramsay at Ellen Adarna.

‘Yung dinaanan nilang bumpy road, now parang maayos at ok na ang kanilang mga relasyon, ‘yung laging pagsama ni Gerald sa mga family party nila Julia at ‘yung nakikita mo na smooth relationship nina Derek at Ellen kasama ang mga anak nila na para silang big happy family.

Sa panahon ng pandemic, dapat lang talaga na good news at happy vibes ang mangyari sa atin. Wala munang mga intriga, dagdag stress lang iyan, bababa ang immune system mo ‘pag stressful ang paligid mo, mas maganda na happy-happy lang.

Kaya maganda na ring tingnan na ayun sila, tanggap na ng lahat ang present situation, wala nang question. Happy na ang lahat.

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with