^

PSN Showbiz

Kelley day, nasilat ni Miss South Africa sa Miss Eco International

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kelley day, nasilat ni Miss South Africa sa Miss Eco International

Pampa-good vibes naman ang balitang first runner-up si Kelley Day sa ginanap na Miss Eco International 2020 sa Egypt.

Ang ganda ni Kelley sa mga naglabasang pictures na kuha sa kumpetisyon. Bumagay sa kanya ang evening gown na suot, lalo na ang National Costume na nanalo pang Best in National Costume.

Ang kandidata ng South Africa ang kinoronahan ng naturang titulo, na sabi naman ni Kelley sa interview sa kanya ng Missoso­logy, deserving naman daw si Miss South Africa bilang Miss Eco International. “She (Ms. South Africa) really has been extremely hardworking throughout the entire competition. And I’m really happy that siya ang nanalo, as well.”

Nagpasalamat naman si Kelley sa suporta ng ating mga kababayan na ramdam daw niyang proud na proud ang Pilipinas sa kanya. “Thank you to the Philippines for putting me in this place right now. I couldn’t have done it without all of you, so maraming salamat po.”

Ipagpapatuloy ni Kelley ang kanyang showbiz career na kung saan naging bahagi siya ng ilang programa ng GMA 7. Kasama rin siya dati sa Oh My Dad ng Brightlight Productions sa TV5. Naintriga pa nga siya noon kay Ian Veneracion.

Pero ngayon ay tila nagiging close sila ng dating Kapamilya actor na si David Chua na makaka-partner niya sa isang series sa TV5 kung saan makakasama rin si Raymond Bagatsing. Si Korina Sanchez ang producer ng seryeng ito na mapapanood sa TV5.

Imelda Papin grabe ang atungal sa wake ni Claire

Si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin ang isa sa may pinakamahabang eulogy sa ginanap na virtual wake para kay Claire dela Fuente noong nakaraang Linggo, April 4.

Siya rin ang pinaka-emotional, kaya hindi na rin napigilan ng anak ni Claire na si Gigo de Guzman na humagulgol dahil sa mga sinabi ng Asia’s Sentimental Songstress.

Inilahad ni Imelda na never daw silang nag-away ni Claire, kahit ang buong akala ng karamihan ay nag-aaway sila lalo na noong kainitan ng isyu kung sino talaga ang Jukebox Queen.

Matagal na raw silang hindi nagkikita dahil sa pandemya, pero bukas daw ang kanilang komunikasyon at madalas daw silang nagtatawagan.

Kaya dinamdam daw niya nang husto ang nangyari kay Claire dahil hindi man lang daw sinabi sa kanya na meron na itong nararamdaman.

Ang sakit pa raw nang nalaman niyang nasa tent lang ito ng hospital. “When I heard na nasa tent lang siya, parang nagalit ako. Kasi, syempre, nasa gob­yerno ako, ‘di ba? Kahit papaano, siguro, kung nag-text din sa akin si mare... siguro, may mga connection naman tayo.

“I have a brother who’s a doctor, siguro, pwede kong hingian ng tulong kaagad. But, ahh... sabi ko nga, inisip ko agad si Gigo. Inisip ko agad si Mickey. I was really very affected,” lumuluhang pahayag ng Camarines Sur Vice Governor na aminadong hindi pa rin makapaniwala.

“Bago ako umuwi dito sa Bicol, kinausap ko siya. Sabi ko, ‘Mare, pag kailangan mo ng tulong ko tungkol kay Gigo, I’m here, just call me. So, until now... hindi ko pa rin...Grabe ang pinagsamahan namin ni mare. Sa totoo lang. Kaya mare, wherever you are, nandito ako. Nandiyan din si Eva (Eugenio). Siyempre, tayong tatlo.”

At nagpalahaw na ito ng iyak nang magbigay pa siya ng mensahe kay Claire. “Mare... hindi ka na namin makikita! Pero lagi ka naming mamahalin! Lagi kang ipagmamalaki bilang kaibigan!”

Nagbigay din ng mensahe sina Pilita Corrales, at ang isa pang bestfriend na si Eva Eugenio.

Nagsalita rin ang mga kaibigan ni Gigo na sina Valentine Rosales at Rommel Galido na naging close na rin kay Claire nang masangkot sila sa isyu ng namayapang si Christine Dacera.

Ipinost ni Gigo sa kanyang IG stories na doon daw muna sa kuwarto niya ang urn ng kanyang mommy bago ito inilibing kahapon.

vuukle comment

KELLEY DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with