_ngayon
^
Luis at Jessy, nilantad na ang kasal
Jessy at Luis
STAR/ File

Luis at Jessy, nilantad na ang kasal

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2021 - 12:00am

Kinumpirma na nina Luis Manzano and Jessy Mendiola na kasal na sila.

naganap ang kasalan sa The Farm at San Benito in Batangas last February 27. Si Lipa City Mayor Eric Africa ang nagkasal sa dalawa. congrats Mr. & Mrs. Manzano.

Tubong Kalinga hinirang na bagong Kapamilya star

Nawalan man ng trabaho dahil sa pandemya, natupad naman ang pangarap ng 23 taong gulang na si Ruth Paga ng Kalinga Province na maging Kapamilya star matapos magwagi sa Bida Star: Gandang Naturally Fresh noong Marso 31.

Nagpursigi si Ruth sa buhay sa kabila ng mga matinding pagsubok at naging vlogger bago sumali sa online star search ng ABS-CBN. Hinangaan ito ni Star Magic acting guru Direk Rahyan Carlos dahil hindi ito sumuko. “I like your  passion. You are a fighter. I like that attitude,” saad ni Direk Rahyan sa huling acting challenge nila.

Naiuwi ni Ruth ang titulong Ultimate Bida Star matapos makakuha ng 89.54% mula sa Kumu diamonds, KTX votes, at score mula kay Direk Rahyan Carlos.

“Sa lahat na naging parte ng Bida Star journey ko, thank you so much. Ang dami kong natutunan sa inyo. Nakabuo ako ng family and friends,” ani ni Ruth.

Nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili sa tulong ni Direk Rahyan para lumabas sa kanyang comfort zone, dagdag nito. “Mas nakilala ko ‘yung sarili ko. Kasi dati gusto ko talagang maging artista pero sobrang

ililimitahan ko ‘yung sarili ko. Sobra niya akong natulungan na lumabas sa box ko,” saad ng dalaga.

Bukod sa titulong Ultimate Bida Star, nanalo rin ang dalaga ng P50,000, ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, pagkakataong makasali sa Star Magic Workshop, isang digital show, at isang role sa isang digital film kasama ang ilang Kapamilya stars.

Samantala, sumunod naman sa kanya si Nics Sevilla na nakakuha ng 69.37%.

Umuwing 3rd placer naman si Mikaela Angela na nakakuha ng 66.98% habang ang 4th placer na si Ayra Paraiso ay nagkamit ng 39.47%.

Truly... nina Jennylyn at Dennis, trending!

Patok ngayon sa isang streaming platform ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly. series mula sa first season ng groundbreaking GMA anthology na  I Can See You. Nasa 2nd spot ito ngayon sa Top 10 trending shows sa Netflix Philippines.

Ito ang last series sa unang season ng I Can See You kung saan tampok ang real-life celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Rhian Ramos.

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa syudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay. Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian).

In fairness, medyo wild ang role ni Jennylyn dun.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with