^

PSN Showbiz

Kakai dapat panindigan ang ‘nangyari’ sa kanila ni Mario!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kakai dapat panindigan ang �nangyari� sa kanila ni Mario!
Kakai

Sa gitna ng seryosong pandemic, ice breaker ang nangyari kay Kakai at Mario Maurer. Talagang tawang-tawa ako dahil parang ngayon lang nangyari na merong lalaki na magagalit para sa pagiging ‘feelingera’ ng isang babae. Kaloka talaga! Ewan ko kung magandang PR move para sa image ni Mario Maurer, o talagang galit lang dahil isang Kakai lang ang nali-link sa kanya.

Kung ako si Kakai, palalakihin ko pa ito, hah hah, mas advantage sa kanya. Eh ano ba kung itanggi ni Mario, so what? Puwede naman mangyari, babae si Kakai, malay mo ba, may magagawa ba sila pag ipinilit niya na may nangyari nga? At maganda ba para kay Mario ang itanggi? Funny talaga iyon issue hah hah.

Nabigyan ako ng idea, ipagkakalat ko rin na nag-one night stand kami ni Jo In-Sung at hinahabol-habol ako ni Nam Joo-Hyuk hah hah at paninindigan ko iyan, kahit bigyan ako demand letter ng Korea, ilalaban ko.

Ganyan gawin mo Kakai, fight lang, hayaan mo maloka si Mario. 

Koreans mahigpit ang proteksyon sa image ng kanilang mga artista

Alam mo ba Salve kung bakit mahigpit ang mga Korean team sa security ng mga artista nila pag nasa ibang bansa? Kasi nga iyon pala ang iniiwasan nila, iyon scandal na baka ‘pag may nagpa-selfie at umakbay o nag-kiss ang fan ikalat na may something o bigyan ng ibang meaning.

Hindi nga ba ang harsh nila sa Korea na pati iyon record na nam-bully si Ji Soo sa middle school naging issue pa. At grabe pala ang higpit nila pagdating sa image, ayaw nila na magkaroon ng kahit konting scandal ang stars nila.

Hindi mo ba napansin, mga edad 30 plus na wala pang asawa. At hindi uso sa kanila iyon loveteam ha, dahil nga sa pag-iwas nila sa tabloid news.

Bongga sila na napapasunod nila mga star nila sa strict discipline. Kaya nga tignan mo, abot-kamay na nila ang Hollywood, dahil na nga iyong disiplina na binigay sa kanila sa local showbiz, enough to sustain the international standard. Well, hintayin nila ang awakening ng local celebrities natin, sure ako, kakayanin nila iyan.

Medyo na spoiled lang agad, pero pag naging seryoso sila, sure ako, international din mga star natin.

vuukle comment

KAKAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with