^

PSN Showbiz

Pamosong babaeng personalidad na dating reyna, hindi pa rin tanggap na sinukuan ng mga dating katrabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakasaklap ng kinauwian ng dating napakakinang na karera ng isang pamosong female personality. Hawak niya nu’n ang mundo, nasa kanya na ang lahat-lahat, wala na siyang mahihiling pa para sa kanyang buhay at career.

Nasa ituktok siya ng tatsulok nu’n sa kasikatan, anumang gustuhin niya ay ibinibigay sa kanya ng istasyong pinagtatrabahuhan niya, sino nga ba ang mag-aakala na siya pala ang malinaw na makapagsasabi na walang forever?

Kuwento ng aming source, “Sinukuan siya ng mga katrabaho niya. Akala niya nu’n, e, okey-okey lang ang mga taong nagseserbisyo sa mga shows niya, pero hindi naman pala.

“Marami siyang kapritso na kahit hindi na dapat, e, ipinipilit pa rin niya, kasi nga, ang katwiran niya—what she wants, she gets.

“So, nu’ng dapat, e, babalik na siya pagkatapos niyang magbakasyon, nagkaroon pala ng plebisito sa kumpanya. Yes or no lang ang kailangang sagot.

“Nanalo ang no, hindi na siya gustong makatrabaho ng mga staff sa network, bukod pa ‘yun sa towering fee na hinihingi niya!

“Pinagsama-sama ang lahat ng pangyayari, binalanse ang sitwasyon, nagdesisyon ang mga diyoses ng istasyon na hindi na siya bigyan ng panibagong kontrata,” mahabang pasakalye ng aming source.

Nawindang ang sambayanan, anyare, bakit siya pinagsaraduhan ng mga pinto, bintana at ng mismong bubong ng kanyang dating pinagrereynahang bakuran?

Hindi matanggap ng female personality ang naganap. Pero hindi siya magpapatalo sa laban. Babangon siya at babangon sa anumang dahilan at paraan.

Balik-kuwento ng aming source, “Pero wala ring nangyari. May mga magbibigay na sana sa kanya ng panibagong opportunity, pero dahil sa issue ng pulitika, walang nangyari sa second wind ng career niya.

“Hindi pa naman siya sanay nang wala siya sa limelight, kailangang nasa center stage siya palagi, kaya sa kahit anong paraan, go pa rin siya nang go!

“Nakakalungkot. Wala talagang forever, alam na niya ‘yan ngayon!” super-iling na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ate Guy, hindi na naalala ang tiyahing nag-mentor noon

Malinamnam ang panayam nina Kuyang Ted Failon at DJ Chacha sa kanilang programa sa Radyo 5 at Cignal One PH nu’ng Martes nang umaga sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Walang anumang kulapol ng make-up si Ate Guy, parang bagong gising lang siya, sa simula pa lang ay binigyan na agad niya ng pagpapahalaga ang kanyang mga loyalistang tagasuporta mula nu’n hanggang ngayon.

Maraming dagdag na impormasyon si Nora sa kanyang kabataan sa Bicol. Ang alam lang natin ay nagtitinda siya ng tubig sa riles ng tren pero may iba pa pala siyang pinagkakakitaan nung mga panahong ‘yun.

“Nagluluto rin kami ng ulam sa gabi, dagdag na kita kasi ‘yun para sa pamilya namin. Saka namumulot ako ng mga tingga sa basurahan. Naibebenta kasi ‘yun.

“Dahil mahirap lang po kami, lahat ng puwedeng pagkakitaan, ginagawa ko,” mainspirasyong kuwento ng Superstar.

Beinte pesos daw ang papremyo kapag nananalo siya sa amateur contest. Hanggang sa pumila na raw siya para mag-audition sa Tawag Ng Tanghalan sa Maynila.

Tanong ni Ted, “Meron po bang kumumbinse sa inyo na sumali sa Tawag Ng Tanghalan?” Ang sagot ni Nora, “Wala po, talagang pumipila lang ako at nagbabaka-sakali. At nakuha naman ako.”

Du’n kami nagulantang, maging ang mga kaibigan namin ay nagtawagan, “Bakit hindi niya binanggit ang pangalan ni Mamay Belen Aunor na nagdala sa kanya sa paligsahan?”

Totoo ‘yun. Sa kasaysayan ng buhay at karera ng Superstar ay si Mamay Belen na kapatid ng kanyang ina ang naging talent scout niya, ito ang nagdala sa kanya sa Tawag Ng Tanghalan, ito rin ang naging mentor niya sa pagkanta dahil mahusay kumanta at gumitara si Mamay Belen.

Pero bakit kinalimutang banggitin ng Superstar ang kanyang mentor, ang kanyang tiyahing si Mamay Belen, na nagpahiram pa nga ng kanilang apelyido para magamit ng Superstar?

Bagong gising lang ba si Ate Guy? O may problema siya sa pamilya Aunor? Hindi maaaring tanggalin sa kuwento ng pagiging Superstar niya ang pangalang Mamay Belen.

Bigla naming naalala ang istorya ng My Paparotti, ang Korean movie na tumutukoy sa pagtanaw ng utang na loob, nang sumikat ang tenor na si Jang-ho ay hindi nito kinalimutang balikan-pahalagahan ang kanyang mentor na si Mr. Nan.

Ang buod ng kuwento ay walang mararating si Jang-ho kung walang Mr. Nan na naniwala, gumabay, nagturo at nagsakripisyo para maabot nito ang rurok ng tagumpay.

Nakakalungkot.

 

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with