^

PSN Showbiz

Pelikula nina Alden at Bea, hihintayin ang pagbubukas ng mga sinehan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pelikula nina Alden at Bea, hihintayin ang pagbubukas ng mga sinehan
Bea at Alden

Sana naman by the time na tapos na ‘yung Alden Richards-Bea Alonzo movie, ayos na ang mga sinehan.

Sayang ang isang napakalaki at gandang project na tulad nito kung hindi mapapanood sa wide screen. Ang tagal hinintay at pinag-isipan, bago ginawa na sana naman ay mapanood ng lahat.

Ang ganda ng combination, istorya, at ang laki ng casting na pagsamahin mo sina Alden at Bea, at tingnan mo, tatlo rin ang producer para magawa ang project.

Kaya naman sa paghihintay lang na matupad ang pangarap ng followers nina Alden at Bea, ang tagal nangyari, tapos hindi mapapanood sa big screen, unfair ‘pag nagkataon.

Kaya sana, by the time na ready na ang lahat, ready na rin ang movie houses para ipalabas ito.

Phenomenal tiyak ang magiging record nito kung normal na ang lahat. Lalo na si Alden ay laging very lucky, kaya sure ako, pagbibigyan iyan ng langit sa prayers niya.

Magiging anak nina tom at carla, inaabangan na ang hitsura

Ang ganda siguro ng magiging babies nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Kasi nga engaged to get married na sila kaya excited na ang followers nila sa magiging future little Tom and Carla.

Ang ganda ng mukha ni Carla at ganundin si Tom kaya inaasahan na sure na beautiful babies ang magiging mga anak nila.

Ang sipag ni Carla na sunud-sunod ang projects at mukhang favorite rin ng production people dahil mabait na kasama at very professional.

Maganda rin naman ang record sa trabaho ni Tom kaya ganun din, busy at marami ring nagawa. Mukhang tahimik din ang relasyon nila dahil hindi nabalitang nag-away o may pinag-awayan. Sabagay, lahat ng na-link kay Carla meron nang asawa, tulad ni Geoff Eigenmann at JC Intal. Kaya dapat lang na now, si Carla naman ang maging happily married.

Congrats, Tom and Carla.

See you soon, TIPMMG followers…

Sad Tuesday na naman kami kahapon dahil nga walang Take It… Per Minute Me Ganun. Gaya nga ng madalas mangyari na basta may Q o anumang paghihigpit, medyo ingat ang staff natin ng TIPMMG dahil mahirap na rin at baka maapektuhan pa ‘pag nagtrabaho kami.

Every week pa naman, we look forward na magkita-kita sa Obra ni Nanay, na regular na naming ginagawa every Tuesday at nahihinto lang ‘pag ganito ngang merong restrictions.

Sabagay, ang hirap ding magtrabaho na alam mo na anxious ang nasa paligid, ‘yung maraming problema na nagaganap at baka apektado na naman ang galaw sa showbiz dahil nga sa dobleng higpit ngayon.

Sad nga na unti-unti na sana tayong bumabalik sa normal, tapos heto, bigla na namang dumami ang may infection.

Miss ko na ang lunch natin sa Obra ni Nanay, at ‘yung food gifts na madalas ipadala sa atin ng followers. Pero hindi bale, balik uli tayo sa live ‘pag medyo magaan na uli ang records ng surge ng virus. Ito naman kasing si CO­VID-19, ayaw pa umalis, overstaying na ha. See you next next week, followers ng TIPMMG, pero huwag kalimutang mag-ingat, para masaya na naman ang tawanan natin sa mga naiwang panty, hah hah, joke joke.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with