^
Angeline, naalala sa serye ang namayapang ina
Angeline

Angeline, naalala sa serye ang namayapang ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2021 - 12:00am

Simula mamaya ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang teleser­yeng Huwag Kang Mangamba na pinagbibidahan ng tambalan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Kabilang din sa bagong serye si Angeline Quinto na kumanta rin ng theme song nito. Ayon sa singer-actress ay talagang espesyal sa kanya ang kanta dahil naiparinig pa niya ito sa nakilalang ina bago namatay noong isang taon. “Actually itong song na Huwag Kang Mangamba, pinakahuling kanta na naiparinig ko kay Mama Bob nung nasa ICU pa siya. So no’ng kasalukuyan na ‘yon, talagang nakikipaglaban pa si Mama Bob para sa brain surgery niya eh. Tapos nakatanggap ako ng message na bibigyan ako ng bagong theme song sa Dreamscape,” kwento ni Angeline.

Sariwa pa sa alaala ng dalaga ang mga kaganapan sa ospital noong mga panahong naka-confine pa si Mama Bob. “Talagang kagagaling ko lang ng chapel ng ospital kung nasaan si mama ko. Sa dami ng mga tanong, mga iniiyak ko sa itaas, parang ang bilis-bilis ng sagot dahil nga sa message ni Sir Deo (Endrinal ng Dreamscape) na Huwag Kang Ma—ngamba ‘yung kakantahin ko. Tapos nag-send sa akin ng link sa YouTube para aralin ‘yung kanta. Gano’n siya kaespesyal. Every time na maririnig ko ‘yan, talagang naaalala ko si mama,” dagdag ng singer.

Para kay Angeline ay talagang napapanahon ang bago nilang programa lalo na para sa mga taong nawawalan ng pag-asa dahil sa mga hindi magagandang pangyayari sa kasalukuyan. “Para sa lahat ng tao na nawawalan ng pag-asa ngayon. Siguro may mga tao na iniisip nila na di na nila kaya. As long as manatili sa atin ‘yung buong paniniwala at pagtitiwala na meron tayong kakampi sa itaas, lahat ito kung pagsasama-samahin nating lahat ay magiging maayos at malalampasan talaga natin,” pagtatapos ng singer-actress.

Gerald, maraming natutunan sa character na good guy!

Maraming natutunan si Gerald Anderson mula sa kanyang karakter bilang si Christopher Salcedo sa teleseryeng Init Sa Magdamag. Kasama ng aktor sa bagong proyekto sina JM de Guzman at Yam Concepcion at mapapanood na ito simula April 19. “He is a good guy. Ang dami ko ring natutunan sa kanya. Gano’n din siya eh, ‘yon ang common sa’ming dalawa, silent but ‘yung mga taong mahal niya gagawin niya ang lahat para sa kanila. Ang ganda rin ng timing ni Tupe sa buhay ko rin. It’s fun playing him kasi very malapit sa personality ko. He knows kung ano ang gusto niya. He keeps it close to his heart,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Matatandang inamin ng aktor kamakailan na masaya ang relasyon nila ni Julia Barretto bilang magkasintahan. Para kay Gerald ay may pagkakahawig din ang kanyang bagong karakter sa personal na buhay pagdating sa pag-ibig. “Great love niya si Rita (karakter ni Yam). May mga nagawa siya sa buhay niya for love na parang wow! Grabe ‘yung sacrifice. Wow! Umabot siya sa gano’ng pagmamahal niya. Iba-iba ‘yung paraan magmahal, sobrang compassionate din kasi niya sa mga tao na mas nangangailangan ng tulong. Good heart, sana makuha ko ‘yung puso ni Tupe,” paglalahad ng aktor. -Reports from JCC-

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with