^

PSN Showbiz

Kyle, umaming natulungan ng pandemic

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyle, umaming natulungan ng pandemic
Kyle
STAR/ File

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Kyle Echarri para sa bagong pagbibidahang teleserye na Huwag Kang Mangamba. Mapapanood ito simula ngayong Lunes sa Kapamilya Channel. Muling makakasama ng aktor sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes sa bagong proyekto.

“Kabado kasi ang laki ng tiwala ng buong Dreamscape sa aming apat. But it’s also such a big blessing and it’s something na alam kong kaya naming apat na gawin. I’m very thankful sa Dreamscape, sa ABS-CBN at siyempre sa Diyos. I’ve been in the industry for a while now and may mga times na iniisip ko bakit hindi pa ako tumigil? May mga times na hindi ako naniniwala sa sarili ko. But they believe in me more that I believe in myself and that makes me believe in myself even more. Hindi ko ma-explain ‘yung feeling but I’m very blessed and very excited for the future and very, very thankful,” paglalahad ni Kyle.

Bukod sa bagong serye ay mayroon pang ibang proyekto ang Gold Squad na talaga namang kailangan daw pakaabangan ng kanilang mga tagahanga ayon kay Kyle. “May ginawa kaming apat makikita n’yo kami very, very soon. May ginawa kami as individual artists, hindi na as love team, pero Gold Squad pa rin. Makakasama namin ‘yung ibang kasama namin sa Squad Plus,” pagde­detalye ng binata.

Samantala, noong isang taon ay mayroong pagsubok na kinaharap si Kyle. Para sa binata ay malaki rin ang naitulong nang pagkakaroon ng pandemya upang malampasan ang mga naranasan noon. “Itong pandemic masasabi ko na it didn’t just prepare me for this role. It prepared me for the future as a person. Kasi I got time for myself more than people around me and thank of my mental health, my physical health. I’m also turning 18 so I feel like it’s the coming of age. So I’m getting to that point. At least ‘yung pandemic nakatulong sa akin in a way na before this, before the pandemic masasabi ko talaga na my mental health was not the best. Like when it comes to happiness, it wasn’t where I wanted to be. And masasabi ko na nakatulong talaga itong pandemic na ito in order to prepare me for the future projects,” pagbabahagi ng aktor.

Kylie, mahilig magsuot ng galing sa ukay

Sinagot ni Kylie Verzosa sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ang mga nagsasabing mataray siya. Nilinaw ng beauty queen-actress na malayo sa tunay na buhay ang mga paratang ng ilang mga tao sa kanya. “Ang dami n’yong nagsasabi, mataray, masungit, intimidating. Feeling ko assumption lang talaga ‘yon. Feeling ko mukha lang akong mataray, pero hindi talaga. Once you get to know me, I’m super approachable. Once na nag-approach kayo sa akin, mas madali ako mag-open up sa inyo,” paglilinaw ni Kylie.

Itinanggi rin ng dalaga puro mamahalin lamang ang kanyang binibili at isinusuot na mga damit. “False guys, hindi talaga. Actually mahilig talaga ako sa mga vintage or ‘yung mga ukay clothes. Taga-Baguio kasi ako so minsan, nag-uukay kami ng friends ko. Ang dami kasing ukay-ukay sa Baguio. So pagdating dito sa Manila it’s called vintage, pero galing ukay talaga ‘yon. Marami sa designers (outfit) na gamit ko bigay,” pagtatapat ng beauty queen-actress. (Reports fro JCC)

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with