^
Kirae, âdi pa umaamin
Grae Fernandez at Kira Balinger
STAR/ File

Kirae, ‘di pa umaamin

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Ang daming kinikilig sa tambalang Grae Fernandez at Kira Balinger na nabuo sa magtatapos nang seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Pero sa virtual finale media conference ng teleserye na mapapanood na rin sa TV5, hindi pa sila umaamin though parang konti na lang at sasabin na nilang sila na.

Sayang nga lang at last two weeks na lang silang mapapanood sa pinagbibidahang serye nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby and Maricel Soriano.

Sa nasabing serye nagsimula ang kanilang loveteam na kinakiligan ng mga nanonood.

Anyway, makatigil-hinigang tagpo ang sasalubong sa mga manonood ngayong darating na linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra) na super kontrabida ang role.

Nagpasiya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger) para siguraduhing mapatay ang dalawa.

Sa kabilang banda, nalaman rin ni Gabriel (Sam Milby) ang kinaroroonan ng mga anak kung kaya’t magmamadali itong puntahan sila.

Sa paglapit niya sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makakasalubong niya si Avel (Joseph Marco).

Sa pag-uunahan nina Gabriel, Avel, at Caesar na maabutan ang dalawa, isang kapahamakan ang sasalubong kay Jake.

Samantala, tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakumbinsi itong ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.

Magwagi kaya si Caesar sa kanyang mga binabalak? Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano kaya ang mangyayari kay Ellice sa ginawang pagsisiwalat ni Caesar?

Ang Ang Sa Iyo Ay Akin ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

GRAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with