^
Liza at Ice, 8 na!
Liza at Ice
STAR/ File

Liza at Ice, 8 na!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Mas nagkaroon na raw ng time na pag-usapan nina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino at partner niyang si Ice Sequerra ang binabalak nilang pagkakaroon ng baby. Two years ago pa nila pina-planong magkaanak pero dahil sa rami nang trabaho ni Chair Liza sa FDCP, lagi itong nauudlot.

Pero dahil sa pandemic na matagal-tagal din siyang nag-work from home, nagkaroon sila ng mahaba-habang time para mag-usap. “In terms of time, mas nababalanse ko ngayon ang oras ko,” sabi ni Ms. Liza nang maka-zoom meeting namin for the 4the Eddys na gaganapin this month ay 8th year anniversary pa nila at pauwi pa lang daw siya.

Wala namang nabanggit na ibang details si Ms. Liza sa pagbi-baby nila ng asawa.

Anyway, bago namin naka-meeting si Chair Liza ay nag-post na si Ice ng “ “8 years na kaming mag jowa!!!!!!!!!! Walong taon na ang nakaraan mula nang binigay mo ang iyong matamis na “oo”. Walong taong punong-puno ng buhay, kulay, at ligaya.
Thank you for always being there. Especially sa mga panahon na kailangan ko nang matinding yakap at kausap. Thank you for be my bestest friend, my number one fan, my worst critic (yes, dinaig mo na si Caridad Seguerra sa pagiging critic). You continously help me grow not just in my artistry but bilang isang tao.  Thank you for being the best wife, lover, jowa, at lahat lahat na. You are my wholesome dreams and my naughty thoughts, rolled into one.
I’ve never felt more safe, secured, respected, needed, wanted, and loved. I hope napaparamdam ko rin sa iyo yun parati.
Mahal na mahal kita, ex-jowa. Buti na lang sinagot mo ako. Swerte mo, no?
Happy 8th jowaniversary!!!!!”

Lampas na sila sa sinasabing seven year itch.

Congrats Ms. Liza and Ice.

FDCP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with