_ngayon
^

Singer/part time actress lalayas na sa Pilipinas!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Nauna na ang asawa sa US...

Malapit na palang lisanin ng isang singer/part-time actress ang Philippines.

Nauna na pala sa Amerika ang mister ni singer/part-time actress at kahit matindi pa rin ang CO­VID-19 pandemic, ok na ok daw ang trabaho nito.

Si singer/part-time actress, medyo ok lang dito sa atin ang career, kaya nag-decide na raw ito na pumunta na rin ng Amerika.

Dati rin namang taga-Amerika si singer/part-time actress, kaya hindi malaking adjustment ang gagawin niya kapag sinundan na nila ng kanilang mga anak ang kanyang mister.

Sabi ko sa taong malapit kay singer/part-time actress na nakatsikahan ko, baka mas gumanda pa ang buhay ng mag-anak doon at siguro ay puwede na lang magpabalik-balik dito si singer/part-time actress para mag-show paminsan-minsan.

Eh, sa ngayon naman, ‘yung live concerts ay wala pa ring kasiguraduhan dahil sa pandemic, kaya puwedeng mag-virtual concert na lang muna si singer/part-time actress habang nasa Amerika siya.

Annabelle, pinasosyal ang ibinebentang dulong

Biniro ko si Annabelle Rama kahapon habang magkatsikahan kami.

Noong Sunday kasi na nasa bahay nila ako ay wala sa topic ng tsikahan namin ang kanyang dulong product na part ng Kitchen of Annabelle business niya.

Hmph! Marami pa naman ang interesado sa bottled dulong na ibinebenta ni Bisaya, pero bakit biglang nanahimik yata siya? “Hindi ka naman kasi nagtanong, kaya nakalimutan ko rin. Sa­yang, binigyan sana kita!” sey niya at “sinumbatan” ko siya na ni hindi nga niya ako binigyan at buti pa ang anak niyang si Ruffa Gutierrez, binigyan ako ng two bottles. “Bumili naman kasi si Ruffa ng 12 bottles ng dulong ko. Hoy, linawin mo ‘yan, baka akalain ng iba ipinami­migay ko lang ang bottled dulong ko, kahit si Ruffa, nagbabayad kapag kumukuha siya sa akin.

“Noong isang araw nga, dumaan pa dito sa bahay si Ruffa at kumuha ng 6 bottles dahil pupunta raw siya kina Karla Estrada, bibigyan daw niya. Siyempre, nagbayad siya.

“Hindi puwedeng libre. Ang mahal yata ng puhunan ko. Quality ang bottled dulong ko at hindi ko tinitipid sa olive oil!” litanya ni Bisaya.

Naku, parang nahiya tuloy akong tanggapin na ang libreng bottled dulong if ever na bibigyan ako ni Bisaya dahil sa dialogue niyang walang libre siyang ipi­namimigay, ‘noh?! Hahaha!

Pero, Ateng Salve, promise ko sa inyo ni Manay Lolit Solis, bibili na lang ako ng bottled dulong ni Bisaya para matikman n’yo rin. Ay, hihingi ko na lang pala kayo kay Ruffa dahil generous naman siya at marami siyang trabaho, huh!

Ngayon nga, may taping si Ruffa for Talentadong Pinoy ng TV5 kung saan ay isa siya sa mga judge.

Kung hindi ako nagkakamali, third episode na ni Ruffa ito.

Ang maganda lang kay Ruffa, freelancer siya, kaya puwede siya sa kahit na anong TV network. ‘Yun na!

AKTRES US
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with