_ngayon
^

PSN Showbiz

Ian wala pang malay sa COVID-19 vaccine

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ian wala pang malay sa COVID-19 vaccine
Ian

Dumating na noong Linggo ng hapon ang Sinovac na bakuna mula China at kahapon ay nakatutok na ang lahat sa pagsisi­mula ng pagbakuna sa ating mga kababayan. Padating na rin daw ang AstraZeneca, pero medyo madi-delay lang daw. In-assure naman ng Department of Health na tuluy-tuloy na ang pag-roll out ng vaccination.

Naka-monitor ang media sa pagsisimula nang pagturok sa Philippine General Hospital, National Lung Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Veterans Memorial Medical Center.

Sa showbiz ay marami na rin ang willing magpabakuna dahil lumalabas na ang karamihan at tuluy-tuloy na ang trabaho.

Natanong nga ito kina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa nakaraang mediacon ng virtual concert nilang Virtually Yours, KilaboTitos.

Sabi ni Ogie, ang asawa niyang si Regine Velasquez ang talagang nagri-research kung alin ang okay na vaccine at willing naman daw sila. Pero ayaw nila sa Sinovac. “I think our family is ready…halos lahat ngayon nagri-research tungkol sa bakuna lalo na yung asawa ko. Parang gusto namin si Pfizer, Moderna o si AstraZeneca, any of those three parang okay sa akin,” pahayag ni Ogie.

Si Ian naman ay parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang magpabakuna. Kaya medyo alanganin pa siya nang tinanong ito sa kanya. “I haven’t formed an opinion about it, but I think that’s the only way to go for everyone. Kung anong klase, hindi ko pa alam,” saad ni Ian.

Kina Ogie raw kasi ay talagang isa sa maituturing niyang nakakakilabot na pangyayari sa kanila nitong pandemic ay ang pagpanaw ng kanyang ama dahil sa COVID-19. “It was a big blow because it was hard because hindi namin siya nakita, from time he got sick until he passed away,” dagdag niyang pahayag.

Kaya talagang nag-iingat sila at kapag nandito na ang mga nabanggit niyang bakuna, nandiyan na sila ni Regine para magpaturok.

Samantala, nakakatuwa itong concert na Virtually Yours, KilaboTitos dahil karamihan sa mga sponsors nila ay talagang kailangan natin, lalo na ngayong kailangan nating pangalagaan ang ating kalusugan.

Kagaya ng Pascual Lab, Potencee, C-Lium, Ascof Lagundi, Conzace at Oracare na nagbigay ng samples ng mga gamot nila sa mga entertainment press. Todo rin ang suporta ng mga major sponsors nilang Frontrow, Katinko, PLDT at marami pa.

Mapapanood na ito sa March 26 sa KTX.Ph.

Magkarelasyon nabuo sa lock-in, lantad na

Open na ang relasyon nitong young actor at young actress pagkatapos nilang makipaghiwalay sa kanilang non-showbiz na kasintahan.

Kahit nga ang dati ring boyfriend ni young actress na isa ring artista ay medyo distansya na siya dahil kaibigan naman niya at katrabaho si young actor na karelasyon nito.

Minsan sa isang programang pinagtrabahuhan nila, nagkasabay silang nag-guest doon.

Nandun sa loob ng dressing room ang bagong magdyowang sina young actor at young actress. Nasa loob din ang isang aktor na dating nakarelasyon din ni young actress.

Isang staff ang pumasok at nakipagtsikahan sa kanila. May pagkamahadera si staff na tinukso-tukso pa si young actress kay aktor na dating nakarelasyon.

Hindi sila umiimik. Nagkaroon ng awkward moment dahil nandun si young actor na kasalukuyang karelasyon ni young actress.

Nakatingin silang lahat kay young actor na ang sama na ng tingin kay staff dahil alam na ng lahat doon sa dressing room ang namamagitan kina young actor at young actress.

Na-gets agad ni staff kaya nag-sorry na lang ito at exit na sa dressing room. Wala raw kasi siyang kamalay-malay na open na pala at alam na ng lahat ang relasyon ng dalawa.

Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Nagkasama lang sa isang taping, biglang naging magdyowa na at iniwan ang mga karelasyon alang-alang sa nabuong relasyon.

Waray, mas pinag-interesan

Naka-18.1 percent ang rating ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday noong nakaraang Miyerkules na dalawang linggo na lang ay matatapos na ito.

Sa pagtatapos nito, tila binubuo ang bagong loveteam na sina Kate Valdez at Migo Adecer.

Sa kuwento nito ay kay Barbie Forteza na-iinlab si Migo, pero nakitaan din ng magandang chemistry sina Kate at Migo.

Kaya sila ang ipinartner sa isang episode ng Magpakailanman noong nakaraang Sabado na naka-16.2. 

IAN VENERACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with