^
Derek at Ellen, may karapatang lumigaya!
Ellen at Derek

Derek at Ellen, may karapatang lumigaya!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Grabe naman ang reaction sa sinasabi nilang meron na raw relasyon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

So what kung meron? May problema ba? Parehong single, walang commitment, pinagtagpo ng mga pangyayari, nagkagustuhan, ‘di ba maganda?

Love is happiness, dapat ‘pag merong nakitang nagmamahal, maging maligaya ang lahat. Both Derek and Ellen ay nanggaling sa isang relasyon na hindi nag-work out, ‘di ba ang ganda naman na heto, baka sakaling natagpuan na nila ang bagong pagmamahal at sana, ito na nga ang maging katapusan ng kanilang paghahanap.

Makikita rin nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres ang para sa kanila, at siguro kahit sila ay wish din na sana maging maligaya sina Derek at Ellen.

‘Yung paghahanap ng happiness, maraming stumbling blocks along the way, pero sa dulo ‘yung kaligayahan mo pa rin ang importante.

Ogie at Ian, parehong romantiko

Uso ngayon ang collab. Tingnan mo si Ogie Alcasid at Ian Veneracion, magsasama sila sa isang concert na talagang masasabi mong gabi ng musika dahil nga parehong mahilig sa mga awiting pang-romantic ang dalawa.

Asahan mo pa ang kilig ng fans nila dahil nga marunong sina Ogie at Ian na makipag-interact sa kanilang audience.

Suwerte ni Jun Lalin na ang mga hawak niya ay mga musical star, at ang sarap siguro na close ka sa singers dahil lagi mong maririnig ang magaganda nilang mga boses. Saka talagang parang lagi kang nakakarinig ng magandang musika sa paligid mo.

Man’s best friend talaga…

Alam ko na kung bakit favorite pet ang dogs. Marunong kasi silang makipag-communicate, nakakaintindi sila, alam nila how you feel at kung ano ang gusto mong gawin nila. Noong una, puzzled ako ‘pag naririnig ko na kinakausap ng kasama ko sa bahay na si Mel ang dogs ko. Kasi nga parang weird ‘di ba, maririnig mong pinagsasabihan niya na parang nakakaintindi ang mga ito.

Now, dahil nasa bahay ako buong araw, mas nakikita ko sila nang malapitan madalas, napansin ko na ‘pag may sinabi ka, they follow talaga. Saka ‘pag kinakausap sila, nakikinig sila. Talagang very intelligent ang mga aso kaya masarap silang gawing pet. ‘Yung fish sa aquarium masarap sa mga mata, pero hindi mo mahawakan, ‘yung birds puwedeng i-pet pero baka lumipad. Ok din ang pusa dahil puwedeng haplos-haplusin, pero mas communicator siguro ang dogs.

Talagang you will be so attached ‘pag kasama mo sila dahil nga malambing at very soulful ang mga mata.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with