^
Kapamilya, nagtampo kay Maja
Maja
STAR/ File

Kapamilya, nagtampo kay Maja

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2021 - 12:00am

Ang pangit naman ng lumabas na balita na pinipilit pa pala ni Maja Salvador noon si Kim Chiu para lumipat sa ibang network na kasabay niya. Grabe iyon ha, kaya naman pala medyo nagtampo ang mga taga-ABS-CBN kay Maja dahil pati ang iba niyang kasamahan, gusto pa niyang isali sa paglipat.

Siguro nga ay parang na knockdown ang feeling ni Maja nang matapos agad ang sinalihan niyang show, just like the realization ng Brightlight Productions na hindi pa kaya ng ibang stars ang bumangga sa mga established na shows ng GMA 7 at Channel 2.

Eye opener ang nangyari kay Maja in the sense na kung minsan kahit pa nga mas mataas ang TF, hindi assurance iyon na kakayanin mo ang responsibilidad, na hindi ibig sabihin na popular ka, madadala mo ang programa. Ang daming artista na tinitilian, pero flop pagdating sa sinehan, ang daming stars na top sa social media pero hindi nagri-rate pagdating sa TV.

Dapat lagi mong isipin na hindi porke heto, kilala ako ng lahat, top of the line ang performance ko, pero sana naman mag-rate at kumita itong ginagawa ko.

Team effort ang lahat, hindi solo performance lang, kaya hayan, ‘pag semplang, nganga ka. Loser ka bigla, instead na winner.

Life lesson number one, dapat nasa tamang level ang mga paa para hindi madapa. Kung hindi, ikaw lang ang masasaktan.

Endorsements ng mga artista, basehan ng kanilang career

Usually ang gauge mo ‘pag hot ang isang artista ay ‘yung dami ng commercials niya. Kasi nga ‘pag hot ang celebrity, mag-aagawan sa kanya ang lahat ng products para sa endorsement ng naturang star.

Doon mo biglang napansin na fast rising star si Alden Richards, na ang halos lahat ng billboards siya na ang naka-feature na endorser. Doon din na-validate na strong ang fandom ni Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa kabi-kabila nilang products na ine-endorse.

Dati si Kris Aquino ang billboard queen, noong panahong very healthy siya at kaya pa ng katawan ang tambak na pictorials.

Silent king of commercial si Vic Sotto na marami rin ang mga ginawa at products na siya ang mukha.

Andiyan ang basehan kung sino ang palagay ng ad agencies ang makakaakit sa mga mamimili. Iyon ang madalas na batayan ng popularidad ng bawat artista.

At siyempre pa nga na gustung-gusto ng stars na kinukuha dahil malaki ang kinikita sa paggawa ng commercials.

Kung minsan nga, binibili lang ang products dahil paborito nila ang artista na ginamit sa pagbenta ng products. Kung minsan pa, limot na ‘yung sinasabi na truth in advertisement, dahil ‘di ba, after endorsing this, iyon namang isa pa ang ine-endorse, isang product pero magkaibang trademark, nawawala tuloy ‘yung pananalig mo sa commercial.

Both ways, nakatulong o nakasira, depende.

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with