_ngayon
^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn ayaw madaliin ang kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn ayaw madaliin ang kasal
Kathryn at Daniel
STAR/ File

Magsisiyam na taon nang magkarelasyon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Para sa aktor ay nagtagal ang kanilang relasyon ni Kathryn dahil sa pagkakaroon nila ng respeto sa isa’t isa. Ito ang naibahagi ni Daniel sa YouTube channel ng aktres na Everyday Kath. “May respeto, siyempre una, mahal natin ang isa’t isa. Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako. Walang katapusang pagsusuyo pa rin. Siyempre hindi na parang nanliligaw pero hanggang ngayon nag-e-effort pa rin ako sa ‘yo. Minsan sinu-surprise pa rin kita. Tsaka i-praise n’yo ‘yung isa’t isa all the time. Appreciate n’yo ‘yung isa’t isa. Ipagyabang n’yo ‘yung isa’t isa,” paglalahad ni Daniel.

Tinanong ni Kathryn si Daniel kung ano ang gustong baguhin ng aktor sa kanya. “Wala, hindi pwede ‘yan. Wala akong papalitan sa ‘yo. Kung may papalitan ako sa ugali mo, bakit hindi na lang ako maghanap ng iba na hindi gano’n. Eh kaya nga minahal kita, ganyan ka eh,” sagot ng aktor.

Maraming mga kaibigan ang nagtatanong na sa magkasintahan kung kailan magpaplanong magpakasal. Ayon kay Daniel ay hindi dapat madaliin ang pag-aasawa. “Ayaw ko rin namang madaliin. Okay lang ‘yon pero ang sa akin lang, ‘wag din tayo male-late. Minsan ang dami mong gustong gawin, ‘di mo napapansin napag-iwanan ka na,” makahulugang pahayag ng binata.

Arci, naging source of happiness ang BTS pagkatapos ng breakup

Isa si Arci Muñoz sa masugid na tagahanga ng Korean boy group na BTS lalo na ng miyembro nitong si Park Ji Min. Nagsimula umano ang paghanga ng aktres sa grupo nang mapanood ang music video ng Boy with Luv noong 2019. “Sabi ko sino ‘yung napakagandang nilalang na ‘yon, si Ji Min, tapos sobra akong na-in love. Mabilis akong tamaan pero ang galing niyang sumayaw tapos ang cute, cute niya. Since nag-backtrack na ako ng mga video nila. I don’t know the reason kung bakit ako dinirek ni Lord sa kanila. ‘Yon pala magiging source of happiness ko sila. Kasi hinahanda niya ako sa break-up,” nakangiting kwento ni Arci.

Ayon sa aktres ay talagang malaki ang naitulong ng BTS noong nagkahiwalay sila ng kasintahan. “They really make me happy. At first I really don’t know what to expect kung bakit I was stanning this group so hard. Then I realized they make me so happy that I tend to forget all my problems. They really touched my life in so many levels,” paliwanag ng dalaga.

Taong 2019 din noong nagpunta si Arci sa Seoul, Korea upang personal na mapanood ang BTS sa unang pagkakataon. Bilang tagahanga ng Korean boy group ay nakapagpa-tattoo pa ang aktres noon ng isang BTS-inspired design. “During that time I was going through my heartbreak, parang sabi ko, it’s time for me to love myself talaga muna. So ibang meaning talaga ‘yung bawat words, and lyrics and their music in my life. So talagang tinamaan ako during that time. In three months nakalimang bansa ako para lang manood sa kanila. Grabe ang lala,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with