_ngayon
^

PSN Showbiz

Buhay ni Christine Dacera, gagawing pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Buhay ni Christine Dacera, gagawing pelikula
Christine Dacera
STAR/ File

Naintriga ang ilang taga-showbiz sa ipinost ng line producer na si Dennis Evangelista kasama ang ina ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera na si Sharon Dacera.

May pag-uusap palang isasapelikula ang kuwento ng buhay ni Christine, pero wala pa raw talagang na-finalize at unang pag-uusap pa lamang daw iyon.

May isang independent producer na gustong gawin ito, pero sa aking pagtatanong plano raw mag-focus sa kuwento ni Christine at hindi gaanong ma-tackle ang nangyari bago siya pumanaw.

Under investigation pa ito at masalimuot pa ang lahat, kaya mahirap na kung dito magpu-focus ang kuwento.

Pero wala pa naman daw na-finalize, hindi pa rin nabubuo ang kuwento at wala pa nga raw silang napili kung sino ang magdidirek.

Ang interesado lang ang karamihan ay kung sino ang gaganap. “Wala pa rin. Wala pa talaga,” pakli ni Dennis nung kinulit ko.

Ang napapansin lang daw nila sa Mommy ni Christine ay parang mas kabisado nito ang mga stars ng GMA 7. Nagustuhan daw niya si Bianca Umali, dahil nagandahan siya rito.

May nag-suggest ding parang mas kamukha si Gabbi Garcia, pero naalala ko ngang close friend at make-up artist pa ni Gabbi ang isa sa involved sa kaso.

Kung talagang plantsado na raw lahat at nagkasundo na sa terms, saka sila maglalabas ng announcement kaugnay dito.

GMA hindi pinag-interesan si Maja

Hindi pa rin humuhupa ang tsismis na paglipat daw ni Maja Salvador sa GMA 7.

Ang daming naglalabasang kuwentong done deal na raw. Hintayin na lang daw ang formal announcement at contract-signing.

Nagulat ang ilang taga-GMA 7 na napagtanungan ko. Nagtataka sila kung sino ang nagkakalat nito, pero definitely hindi raw ito nanggagaling sa mga taga-GMA 7.

Kung totoong may pirmahan man, tiyak na hindi raw nila ito ipagkakalat, at maglalabas sila ng bonggang announcement.

Pero wala raw talaga. Walang pirmahan ng kontrata at wala raw napagkasunduan tungkol sa paglipat sa Kapuso network.

Heto na nga at may gagawin naman palang soap si Maja para sa TV5.

Kaya sa ngayon ay talagang wala raw pag-uusap at walang pirmahan ng kontrata sa pagitan nina Maja at ng GMA 7.

Narinig din naming ang isa pang napapag-usapang lilipat sa GMA 7 ay si Pokwang. Totoong nagkaroon daw ng pag-uusap, pero nangyari raw ito bago pa nagka-show si Pokwang sa TV5.

Hindi na natuloy ang pag-uusap at pirmahan ng kontrata dahil nga nagka-show naman ito sa TV5.

Derek, kasado na sa serye

Kasado na pala ang susunod na drama series na gagawin ni Derek Ramsay sa GMA 7.

Pagkatapos ng The Better Woman na pinagsamahan nila ni Andrea Torres, meron na sanang kasunod, ang Sanggang Dikit. Pero na-shelve na ito, wala pang sinasabi kung itutuloy pa rin nila.

Ang inaayos na raw nilang gagawin ni Derek ay isa pang drama uli ay kasama sina Carla Abellana at Max Collins.

CHRISTINE DACERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with