Beautederm, bonggang sumuporta!

Dingdong, Marian at Rhea
STAR/ File

Naku, Salve, ha, talagang ‘ninang’ na ng Take It… Per Minute Me Ganun si Rhea Tan ng Beautederm. Imagine mo na ‘yung anniversary sponsorship ng show natin, wala talagang tanggi si Rhea na sumagot ng “yes.”

Mula umpisa hanggang ngayon, patuloy ang suporta niya sa atin kaya naman tuwing siya ang sponsor, talagang excited kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu kahit pa nga overtime tuluy-tuloy ang chikahan dahil sa Beautederm.

Ang ganda talagang pakinggan na meron tayong friends na naniniwala sa strength ng show para maabot ang consumers. Sabi nga ni Rhea, nakakatulong daw nang malaki sa sales ‘yung pagbanggit natin at recall sa viewers ng mga product ng Beautederm.

Hay naku, kaya love na love ko ang Beaute­derm at sina Sam at Rhea dahil mahal na mahal niya tayo sa TIPMMG.

Mga nagda-dine in, dumarami na

In all fairness ang dami ko nang nakikitang nagda-dine in sa mga resto ha.

‘Kaloka rin ang mga pila sa fast food, kaya lang naiinis si Mel kasi nga dapat mag-fill up ng forms ‘pag papasok. Na dapat talaga para sa contact tracing. Naku ‘pag isang burger lang ang buy mo tapos pipila ka nang matagal at mag-fill up pa ng form, ang hassle nga naman. Pero good sign na heto at marami nang kumakain outside at parang exploring na uli ang mga tao, parang hindi naman nasa loob lang ng bahay at parang takot na takot na sa labas.

Pero type ko pa rin ‘yung hindi muna palabasin ang mga bata, mas safe na nasa bahay lang sila. ‘Yung mga matatanda, let them decide for themselves dahil alam na nila kung ano ang mabuti o masama para sa kanila. In fairness, sila nga ang dapat lumabas para kumita ng pera, ang mga bata ay sa loob lang ng bahay at huwag nang kumalat sa labas dahil wala namang gagawin. ‘Yung studies nila online, better alternative for now habang delikado sa labas.

Kung ganyang may mga dine in na at marami nang nagta-try, good sign para sa mga business dahil kahit papaano ay umaandar na paunti-unti ang economy.

Next, payagan at luwagan na ang travel, nang sa ganun mabuhay na ang tourism at air travel natin, pati na ang big hotels.

Show comments